Pangnegosyo Polvoron

Isa  sa maganda ring pagkakitaan ay ang polvoron , pwede mo ito ibenta per piece or per balot , madaling gawin at madaling mabili ang mga ingredients at mga bagay na kailangan para makapagsimula ng pagtitinda nito. Kailangan meron kang polvoron molder, water cellophane para sa pagbabalot ng polvoron at mga platic na paglalagyan kung ititinda mo per pack.Ito ang recipe na ibibigay ko ay talagang masarap at subok ko na, kalasa ito ng sikat na brand sa Pilipinas, kaya ano pang hinihintay nyo? Umpisahan nyo na!!


  Mga sangkap: 40-50 pieces of polvoron

5 tasang harina

3 tasang powdered milk (anumang brand)

2 tasang tinunaw na mantikilya or margarin

1 1/4 tasang asukal o ayon sa iyong panlasa


iba't ibang kulay ng water cellophane at molder ng polvoron

Procedure:

1. I-toast ang harina sa isang kawali sa katamtamang init, haluin ng haluin para hindi masunog, gawin ito sa loob ng 12 minuto o hanggang sa maluto ang harina, pagkatapos ay ilagay ang powdered milk at asukal ituloy ang paghahalo sa loob ng 3 minuto saka patayin ang apoy. Salain ito para maalis ang buo buo at smooth ang texture ng polvoron.

2. Kapag nasala na ang polvoron ay idagdag ang tinunaw na mantikilya at haluing mabuti, pagkatapos ng prosesong ito, handa na itong hulmahin. Hulmahin ang polvoron at ilagay sa isang tray saka ilagay sa refrigerator para tumigas at di masira ang porma kapag binalot na. After 30 minutes pwede na itong balutin .


3. Pagkatapos mabalot ay pwede na itong ibenta per piece or per pack, good luck and God bless.



Pwede kang gumawa ng iba't ibang flavor from this recipe

Comments

Popular posts from this blog

Pangnegosyo Skinless Longganisa Recipe

Pangnegosyo Pork Barbecue