Posts

Showing posts with the label SEAFOOD RECIPES

Pangnegosyo Daing Na Bangus

Image
Last week ibinahagi ko dito ang ginagawa ng kapatid kong si Noemi para kumita nagtitinda sya ng pagkain na pangmaramihan ang 1 serving, tapos kapag walang nagpapaluto sa kanya gumagawa rin sya ng daing na bangus at mabenta rin sa mga kapitbahay. Yang ganyan kalaki binibenta nya ng 50 pesos ang isa pero kapag 2 ang kukunin binibigay nya ng 90 pesos lang kaya nakakabenta sya ng marami kasi dalawa dalawa ang binibili ng mga customer nya kasi may discount syang binibigay pag higit sa isa ang bibilhin. Noemi Kaya isa rin ang daing na bangus na maisuggest ko na pwede nyong pagkakitaan, kasi bibilhin talaga ng mga tao dahil madaling lutuin at masarap, pwede rin pambaon, so kung nagmamadali sila sa umaga na magluto in na in ang daing na bangus dahil madali lang talagang lutuin. Kung gagawa ka man ng daing na bangus di rin mahirap hanapin ang mga sangkap. Hindi ko lalagyan ng specific measurement kasi depende naman kung gaano karami ang gagawin ninyo, pero ang mga sumusunod na sangkap ang  kail

Pangnegosyo Halabos Na Hipon

Image
  Minsan sa palengke kapag dagsa ang supply mas mababa ang presyo kaysa sa normal na daily price so grab that opportunity na magamit mo ang ingredients na yon para kumita ka, tulad ng hipon na ito, kumo mura sya bumili ako para makapagtinda sa mga kakilala at tumubo kahit kunti. Kahit halabos lang naubos naman. Mga sangkap: 1 kg hipon (linisin at hugasang maigi) 1 kutsarita asin sibuyas dahon Procedure: 1. Painitin ang kawali, ilagay ang hipon at lagyan ng asin at haluing maigi, dapat malakas na malakas ang apoy at haluin ng haluin hanggang sa maluto more or less 10 minutes or hanggang sa maluto. Huwag iovercooked para di dumikit ang balat sa laman at dry. 2. Kapag luto na hanguin agad at ilagay ang dahon ng sibuyas. Pwede mong iportion into 4-5 serving at pwede mo ng itinda.

Pangnegosyo Relyenong Bangus

Image
Ang Relyenong Bangus ay isa sa pinakatanyag na putahe ng bangus sa Pilipinas. Medyo matrabaho pero sulit sa bentahan. Kapag nakasanayan mong gawin madali na lang at madali ding maibenta.   Mga sangkap: 6 bangus   malinis na 2 sibuyas (diced) 6 butil bawang (tinadtad) 3 karot (tinadtad) 2 tasa green peas or gisantes 1 kutsarita pamintang durog 1 tasa pasas Asin at paminta pampalasa (pwedeng lagyan ng ginisa mix/magic sarap) Mantika na pagpipirituhan 1 cup corn starch or harina for dusting   PROCEDURE:   1. Una nating gawin ay alisin ang laman ng bangus at ingatang hindi mapunit ang balat. Baliin ang buto sa may buntot at sa may ulo, saka pisil pisilin ng malakas para maghiwa hiwalay ang laman at hilain ang buto para maalis. Ipasok ang kutsara sa loob at kayurin ang laman ng isda.     2. Kapag naalis na ang lahat ng laman ng bangus at mga tinik ay ilagay ito sa kawali at sindihan sa mahinang apoy at pakuluan hanggang sa maluto, kapag luto na ay palamig