Posts

Showing posts with the label PORK RECIPE

Pangnegosyo Lechon Kawali

Image
Mmmmmm amoy pa lang ulam na 😃 Masarap at malutong na piniritong baboy sa kawali. Ang technique sa pagtitinda nito , pre order para alam mo gaano lang karami ang lulutuin mo.Kung halimbawang target mo ideliver Sunday,  during weekdays imessage mo na ang mga kaibigan mo kung gusto nila omorder kasi magdeliver ka sa Linggo bago lunch time para bibili talaga sila kasi most of the family salu-salo kapag linggo.Pwede mong hatiin sa 4 hiwa ang 1 kilo then ang price mo sa pagtinda ibatay mo kung magkano expenses mo. Masarap ito kapag crispy ang labas, tapos juicy at malambot ang loob, gaya ng nasa larawan. Mga Sangkap: 2 kilo liempo ng baboy (pork belly) 3 butil ng bawang (dinikdik) Tubig 1 Sachet magic sarap asin at paminta na panimpla Mantika na pagpipirituhan   Paraan ng pagluluto: 1. Ilagay sa kaldero ang liempo, bawang, magic sarap, paminta at asin. 2. Lagyan ng tubig na lagpas ng kaunti sa karne, lagpas ng 1/2 pulgada (inch). 3. Pakuluan hanggang sa lumambot. Alisi

Pangnegosyo Pork Tocino

Image
Mula noong bata pa ako hanggang ngayon walang kupas ang pagiging sold out ng tocino, kaya tara na at umpisahan na natin ito. Mga sangkap: 2 kg pork belly sliced for tocino 2 cups brown sugar 1 1/2 cup pineapple juice 2 tablespoon curing salt ( pwedeng palitan ng normal na asin at food coloring na red 1/2 teaspoon) 1 kutsarita paminta powder 2 tablespoon Woster Sauce ( Lea and Perrins) 2 tablespoon katas ng calamansi or lemon Woster Sauce Procedure: 1. Sa isang malaking mixing bowl, pagsamasamahin ang lahat ng ingredients at haluing maigi. 2. Kapag nahalo ng maigi ready na ito ipack, pwede kang gumawa ng 500g at 1 kilo na pack para ibenta. Ganyan lang kadali gawin ang tocino!

Pangnegosyo Skinless Longganisa Recipe

Image
Ganito lang kadali gumawa ng Skinless Longganisa. Madali itong ibenta kasi madali lutuin at paboritong baon sa trabaho o eskwela, kaya sure talaga na may buyer ka kahit mga kapitbahay mo lang. Ingredients: 1 kg giniling na baboy 1 1/2 cup asukal brown 1 1/2 kutsara asin 1 kutsara suka= para matagal masira ang longganisa 1 1/2 kutsarita paminta powder 2 buong bawang (minced) 2 1/2 kutsara woster sauce or Lea and Perrins Procedure: 1. Sa isang malaking mixing bowl, pagsamasamahin lahat ng ingredients at haluing maigi, kapag nahalo ng maigi ok na yon huwag mong haluin pa ng haluin kasi maovermix sya magiging dry ang texture ng longganisa. 2. After maimix, ilagay sa refrigerator ng at least 2 hours para madali mo syang mairoll di maghiwahiwalay, pwede rin overnight sa refrigerator. 3. Kumuha ng 1 kutsara na mixture or 50g tapos iporma ito na longganisa sa pamamagitan ng pagroroll nito sa iyong mga kamay na may mantika para hindi didikit. Ganyan lang kadali, wag mo ng ilagay sa ice can

Pangnegosyo Pork Barbecue

Image
  Alam kong common din sa Pilipinas ang pagtitinda ng barbecue kaya isa rin ito sa mairerecomenda ko na maaari nyong gawin sa bahay ninyo na di kailangan ng maraming puhunan, pinaka main mong gamit na kailangan ay ang barbecue stand o ihawan  the rest na mga needs ay uling, barbecue sticks at brush pampahid ng sauce. Ito naman ang mairerecomenda kong barbecue recipe. Mga sangkap: 2 kilo pork kasim o perna (hiwain) 1 tasa Sprite 1 tasa ketchup 1 tasa  pineapple juice ¼ kutsaritang paminta powder 1/2 tasa toyo 1/4 tasa calamansi juice o suka asin ayon sa iyong panlasa   Procedure: 1. Pagsamahin ang lahat ng mga sangkap at i-marinate nang 2 oras t implahing maigi ayon sa iyong panlasa iadjust ang measurement ng ingredients kung sa tingin ninyo ay kulang sa lasa , pagkatapos ng 2 oras pwede na itong tuhugin, at ready ng magsimula ng pagtitinda. 2. Maglagay ng katamtamang dami ng uling sa ihawan at pabagahin ito. 3. Habang niluluto ang barbecue  ay balibaliktarin ito

Pangnegosyo Sisig Recipe

Image
  Nagawa ko ang sisig na ito dahil sinubukan ko magmessage sa mga kaibigan ko at mga kapitbahay kung gusto nilang omorder ng sisig, minessage ko sila 1 week ahead of time. May mga omorder kaya niluto ko ito. Mga Sangkap: 3 kilo mukha at tainga ng baboy (mascara) 1/2 cup katas ng calamansi (dagdagan o bawasan ayon sa panlasa) 1/2 cup toyo 1/2 kilo sibuyas tinadtad 1 ulo ng bawang tinadtad 1/4 kilo siling haba (tinadtad) asin at paminta ayon sa inyong panlasa iadjust nyo na lang ang measurements ng mga ingredients ayon sa inyong panlasa. Procedure: 1. Ilagay sa caldero ang mascara ng baboy at pakuluan ito hanggang sa lumambot. 2. Kapag malambot hanguin ito at ihawin ng bahagya saka tadtarin. Kung wala ng time para ihawin, ok lang din. Kapag natadtad na set aside. 3. Igisa ang bawang at sibuyas , saka ilagay ang sila at igisang maigi, tapos ilagay ang tinadtad na mascara ng baboy, sangkutsahing maigi. 4. Kapag nasangkutsa ng maigi ilagay ang toyo at haluing maigi hanggang kumapit ang kula

Pangnegosyo Shanghai Rolls

Image
Ang lumpiang Shanghai o Shanghai roll ay isa sa mga putahe na pwedeng pwede mong ibida kahit anomang okasyon, masarap na affordable pa. Kaya pwede mo itong gawing always available sa mga customers mo, para kung mayroong handaan sa kanila or kahit weekend salo salo lang ng pamilya nila pwede silang omorder sa iyo. Para sa 100 piraso na shanghai ito ang mga sangkap na kailangan mo. Maghanda ka na rin ng 120 pirasong lumpia wrapper para sakaling may mabutas may extra ka na wrapper Mga Sangkap: 1kilo giniling na baboy  1/2 kilo patatas (minced) 1/2 kilo carrots (minced) 2 onion (minced) 1 big red bell pepper  (minced) 1 cup dahon ng sibuyas  hiniwang maliliit salt and pepper to taste  magic sarap or ginisa mix ayon sa iyong panlasa Procedure: 1. Sa isang malaking mixing bowl paghaluhaluin ang lahat ng mga sangkap para matimplahang maigi. Haluing maigi para pantay ang lasa. 2. Kapag nahalo ng maigi kumuha ng lumpia wrapper at lagyan ng giniling mixture, balutin ito ng mahigpit na maghigpit