Posts

Showing posts with the label PASTA/NOODLES RECIPES

Pangnegosyo Sopas

Image
  Ang sopas ay isa rin sa magandang ibenta lalo na kung almusal ang target nyong oras, gaya ng lugaw, malaki din ang tubo dito. Ingredients: 1 kilo Elbow Macaroni 3 cloves garlic 1 onion (minced) 1/4 kilo chicken breast 7 litres Water or more 3 pieces big carrots ( diced) 1 kilo cabbage ( sliced) 1 can (300 grams) all purpose cream (Nestle, Magnolia, Alaska, etc) spring onion salt and pepper to taste or chicken cube Procedure: 1. Igisa ang bawang at sibuyas saka ilagay ang manok, asin at paminta (kung may mga flavor enhancer pa kayong gustong ilagay ay ilagay na rin ), igisa  ng ilang minuto. 2. Lagyan ng tubig at pakuluin, kapag kumulo na ay ilagay ang elbow macaroni at hayaang kumulo hanggang sa maging half cooked ito. 3. Kapag half cooked na ang macaroni ay ilagay ang carrots, pagkatapos kumulo ng isang minuto ay Ilagay ang all purpose cream haluing maigi  at ifinal nyo na ang lasa.  4. Ilagay ang repolyo at dahon ng sibuyas haluing maigi at patayin ang apoy. Ready na itong ibenta o

Pangnegosyo Macaroni Salad

Image
Ito ako mismo ang nagbenta nito sa mga kapitbahay ko , Nagmesaage ako 3 days before sa kanila sabi ko mayroon akong macaroni salad na available sa linggo order na para di ka maubusan, siguradong masarap, sa sobrang sarap makakalimutan mo problema mo at  makakalimutan mo may utang ka pa sa akin noong nakaraan  😅😂😁😂😂 joke lang po. Kayo na bahala magsales talk sa mga friends nyo. Mga Sangkap: 1 kg macaroni ( cook according to its packaging procedure) Drained 1 kg all purpose cream ( dagdagan kung kailangan) 1  cup mayonaise 2 cans corn kernel (drained) 1 can  pineapple tidbits 432grams( drained) 1/2 kg nata de coco any color na gusto nyo ( drained) 3/4 cup pineapple juice mula sa pineapple tidbits- para di dry ang salad 1 cup raisins  1 1/2 can of condensed milk (the 390gcan)   Procedure:  Sa malaking mixing bowl pagsamasamahin lahat ng mga sangkap at haluing maigi. Ilagay sa refrigerator para palamigin bago ihain o ibenta.   Kapag malamig na pwede na itong ipack  per serving tulad n

Pangnegosyo Bihon Guisado

Image
  Hello mga kababayan, isa rin sa madaling ibenta ang bihon kasi marami ang isang serving sa abot kayang halaga, kung gusto nyong magtinda nito pwedeng puro bihon lang or katulad nyang nasa picture may kasamang fried chicken breast fillet at puto pao, nasa sa inyo kung paano nyo diskartehan na maenganyo ang mga tao para bumili kapag inalok nyo. Ito naman ginawa ko para ipamigay sa mga kapitbahay noong birthday ko.  Ingredients: 3kg bihon 10 litres water 2 kg pork   2 whole cabbage (sliced) 1/2 kg bell pepper (sliced) 2 kg carrots (sliced)   2 cups soy sauce  6 cloves  garlic  2 onion paminta at asin ayon sa inyong panlasa ( pwede kayong gumamit ng vetsin, cubes na panimpla, ginisa mix or magic sarap, ) Procedure: 1. Igisa ang bawang at sibuyas saka ilagay ang sahog, sangkutsahing maigi. 2. Ilagay ang bell pepper gisahin ng 1 minuto saka ilagay ang toyo, paminta at asin. 3. ILagay ang tubig at pakuluin, kapag kumula na, timplahang maigi para sumarap.  4. Ilagay ang carro

Pangnegosyo Chicken Macaroni Salad

Image
  Isa sa mga madaling ibenta ito kaya kung gusto nyo na may pagkakakitaan sa panahon ngayon subukan nyo iyo, madali ding gawin. Mga Sangkap: 1 kg macaroni ( cook according to its packaging procedure) 1 kg chicken breast (boiled with salt then shredded) 1 kg all purpose cream plus another 1 cup 1 1/2 cups mayonaise 2 cups pineapple tidbits 1 minced onion 1 minced carrots 1 cup raisins  1 1/2 can of condensed milk (the 390gcan) salt according to your taste ½ cup pickle relish (kung wala ito ok lang) Procedure: Pagsamasamahin lahat sa isang malaking mixing bowl at haluing maigi. Kapag nahalo ng maigi, finalize the taste kung sakto sa tamis, cream etc. Kapag ok na pwede nyo ng balutin into portions at itinda. Watch the video Sa pricing kayo na bahala magkano nyo ibenta ang 1 serving, kasi kung nasaan ka man maaaring iba ang presyo ng mga ingredients sa lugar mo kaysa sa lugar ko. Itotal mo lahat ng expenses then kwentahin mo ilang servings ang nagawa mo doon mo ibabatay

Pangnegosyo Spaghetti Sauce

Image
  Kung nag iisip kayo na magtinda ng spaghetti, subukan nyo ang sauce na ito, lahat ng nakatikim nito isa lang ang sinasabi ''MASARAP'' Mga sangkap: 6 butil ng bawang (dinikdik) 1 buo sibuyas (hiniwa) 1/2 kilo giniling na karne ( beef, chicken or pork nasa inyo kung anong karne) 1 kilo tomato sauce 1 kilo tomato paste 1/2  kilo ketchup 1/2 kilo hotdog (hiniwa) 1 lata gatas condensada (380 grams) 1 lata gatas evaporada (370ml) 1 lata All purpose cream (Nestle, Magnolia, etc) 1/2 tasa mantika asin ayon sa iyong panlasa paminta ayon sa iyong panlasa Paraan ng Pagluluto: 1. Initin ang mantika at igisa ang bawang at sibuyas pagkatapos ay ilagay ang giniling, lakasan ang apoy at sangkutsahing maigi ang karne, timplahan ng asin at paminta haluin at hayaang kumulo ng 5 minuto. 2. Ituloy ang pagluluto sa malakas na apoy, ilagay ang tomato sauce, tomato paste, at ketchup, haluing madalas para maiwasang masunog, kapag naigisa ng maigi ang sauce ay ilagay ang c

Pangnegosyo Palabok From Scratch

Image
  Sa recipe na ito ay makakagawa ka ng 30-40 styro na palabok na pwede mong itinda at kumita ng malaki. Kung gusto nyo naman na kunti lang ang gagawin nyo iadjust nyo na lang ang measurement ng mga ingredients. Ako ang ginawa ko bago ko lutuin nagmessage ako sa mga friends ko na magluluto ako ng palabok baka gusto nilang omorder, kaya nakapagbenta ako ng 30 orders, so nakapagvlog na ako lumita pa ako. Thanks be to God. Ingredients: 1 1/2 kg Bihon- pakuluan mo then salain ,hugasan ng tubig sa gripo pagkasala para hindi malata then set aside PALABOK SAUCE INGREDIENTS 1 Garlic head 1 Onion 2 kg giniling 30 cups water 2 cups atsuete  boiled in 5 cups water Pepper and salt to taste 250g  Corn starch  dissolve in water PALABOK SAUCE PROCEDURE 1. Igisa ang bawang at sibuyas saka ilagay ang giniling , pwedeng pork, beef or chicken depende kung ano ang gusto nyong gamitin. Gisahing maigi hanggang sa masangkutsa ito. 2. Samantala ang atsuete na 2 cups ay ilagay sa kaldero at lagyan ng 5 cups na