Pangnegosyo Leche Flan
Para sa akin special din ang leche flan sa mga handaan kaya isang option rin ito na magandang ibenta at madaling gawin at hindi malaki ang capital na kailangan, basta mayroon kang steamer at mga lyanera solve na! Maganda rin kung may iba't ibang forma ka ng mga lyanera, ang nasa pictureang ginamit ko jan ay lutuan ng chiffon cake, then dinekorasyunan ko ng iba't ibang prutas, ang ganda na pwede ng pang party 😀 Ingredients: 4 egg yolk 2 whole egg 1 can condensed milk (395 grams ) 1 cup evaporated or fresh milk asukal para ilagay sa lyanera (caramelized) Procedure: 1. Lagyan ng asukal ang lyanera then icaramelize ito, dapat katamtaman lang ang apoy sa stove para hindi masunog, kapag nakacamelized na , set it aside. 2. Sa isang malaking mixing bowl pagsamasamahin ang mga itlog batihin ng dahan dahan para hindi mabula o maraming bubbles. 3. Kapag nabati na ang itlog idagdag ang condense at evaporated milk, haluing maigi, kapag nahalo ng maigi, salain ito bago ilagay sa lyaner