Posts

Showing posts with the label RICE RECIPES

Pangnegosyo Biko

Image
Isa rin ito sa mabenta ang biko, kaya tara na at magluto tyo Mga sangkap para sa Kanin : 1 kilo ng Malagkit na Bigas 4 tasang tubig Procedure: 1. Sa isang kaldero ilagay ang malagkit na bigas at tubig pagkatapos ay lutuin sa katamtamang apoy, kapag kumulo na ay hinaan ang apoy para di masunog  at hintayin itong maluto, pwedeng haluin paminsan minsan para di masunog ang ilalim. Habang naghihintay na maluto ang kanin, ihanda natin ang mga sumusunod para sa ating coconut-sugar syrup at ito ang mga sangkap. 3 tasang gata ng niyog 1/4 kilo ng asukal 1/2 tasa ng condensed milk Procedure: 1. Ilagay ang lahat sa isang kawali at pakuluan, kapag kumulo  na ay hinaan ang apoy at patuloy  itong lutuin at haluing madalas hanggang lumapot. 2. Kapag malapot na ay ilagay ang nilutong glutinous rice at haluing maigi para pantay ang itsura ng biko, haluin ng haluin hanggang sa marating ang consistency ng biko na ibig mo. 3. Palamigin  at hiwain sa sukat na ibig mo o para mas presentable ang pagtitinda,

Pangnegosyo Arroz Caldo

Image
Isa rin sa mairecomenda kong pwedeng itinda ay ang arroz caldo, kasi essential talaga ito heheheehe,  Isang paraan para maibenta mo ito ay sa umaga yong pang almusal na oras pwede mong ilagay sa mga disposable na lalagyan, pang take out ang dating nya. Kung malapit ka sa palengke, paradahan at eskwelahan pwedeng pwede itong ibenta sa mga  mga maagang pumapasok sa trabaho gaya ng mga nagtitinda sa palengke, marami akong nakikitang naglalako ng arroz caldo sa palengke kapag namamalengke ako ng maaga. Kung may maliit ka naman na pwesto swak na swak rin ito. Mga sangkap: 1/2  kg malagkit bigas 1/2 kg normal na bigas 10 litro tubig 1 sibuyas tinadtad 4 bawang tinadtad  1 kg manok hiniwa 1 cup luya hiniwang manipis na pahaba 1/2 cup fish sauce (patis) paminta at asin ayon sa iyong panlasa Procedure: 1. Igisa ang luya,  bawang at sibuyas 2. Ilagay ang manok at sangkutsaing maigi, pagkatapos ay ilagay ang patis, asin at paminta  haluin ng maigi. Pwede nyong lagyan ng magic sarap o chicken cube

Pangnegosyo Lugaw, Tokwa at Baboy

Image
Isa rin sa maisuggest ko na itinda kasi bukod sa madaling gawin very affordable pa ang mga sangkap at patok sa mga tao kahit anong oras, pwede mong umpisahan sa almusal hanggang sa meryenda sa hapon siguado sold out ito. Make sure na pagserve ng lugaw ay mainit. Para sa lugaw: Magisa ng luya, bawang at sibuyas saka ilagay ang 1 kilo na malagkit na bigas at haluing maigi, lagyan ng 10 litro na tubig at pakuluin ng pakuluin hanggang sa lumapot at timplahan ng asin at kung anomang flavor enhancer ang gagamitin nyong panimpla para sumarap. Huwag mo ng lagyan ng paminta kasi merong iba ayaw ng paminta, maglagay ka na lang ng paminta sa lagayan na ready anytime kung sino ang may gusto. Para sa baboy: Pakuluan ang mascara ng baboy (tainga at mukha), siguraduhing malambot then hiwain into strips, lagyan ng sibuyas, toyo at calamansi. Para sa tokwa: Prituhin ang tokwa at hiwain.  Kapag ready na lahat, pwede mo ng simulan ang pagtitinda, ilagay mo sa mga containers ang tokwa at baboy para anytim