Pangnegosyo Fried Chicken Recipe
Isa sa magandang pagkakitaan din sa panahon ngayon kahit nasa bahay ka lang ay ang pagpipirito ng manok o fried chicken, kasi nasaksihan ko ang aking kapatid na tuwing weekend naglalagay lang sila sa labas ng bahay nila ng lugar kung saan sila pwede magprito at ang daming bumibili tuwing sabado at linggo, kaya maganda rin ito at di pa mahirap gawin. Ingredients: 1 kg chicken cut into serving pieces 2 cups harina 1 egg asin at paminta ayon sa iyong panlasa chicken powder or magic sarap/ginisa mix 1 litro mantika Procedure: 1. Sa isang malaking bowl timplahan ang manok ng asin, paminta at chicken powder or anomang flavor enhancer ang available sa inyo. 2. Haluing maigi para maabsorb ang lasa. 3. Ilagay ang itlog at haluing maigi para kapag niligid sa harina ang manok , maganda ang kapit. 4. Initin ang mantika at prituhin ang manok sa katamtamang apoy hanggang sa malapit nyo ng hanguin, kapag malapit ng hanguin lakasan ang apoy para maging crispy ang fried chicken. 5. Serve and enjoy