Pangnegosyo Skinless Longganisa Recipe


Ganito lang kadali gumawa ng Skinless Longganisa. Madali itong ibenta kasi madali lutuin at paboritong baon sa trabaho o eskwela, kaya sure talaga na may buyer ka kahit mga kapitbahay mo lang.

Ingredients: 1 kg giniling na baboy 1 1/2 cup asukal brown 1 1/2 kutsara asin 1 kutsara suka= para matagal masira ang longganisa 1 1/2 kutsarita paminta powder 2 buong bawang (minced) 2 1/2 kutsara woster sauce or Lea and Perrins


Procedure:

1. Sa isang malaking mixing bowl, pagsamasamahin lahat ng ingredients at haluing maigi, kapag nahalo ng maigi ok na yon huwag mong haluin pa ng haluin kasi maovermix sya magiging dry ang texture ng longganisa. 2. After maimix, ilagay sa refrigerator ng at least 2 hours para madali mo syang mairoll di maghiwahiwalay, pwede rin overnight sa refrigerator.

3. Kumuha ng 1 kutsara na mixture or 50g tapos iporma ito na longganisa sa pamamagitan ng pagroroll nito sa iyong mga kamay na may mantika para hindi didikit. Ganyan lang kadali, wag mo ng ilagay sa ice candy wrapper kasi abala lang sa iyo at sa magluluto, pwede namang di na iwrap kahit pagpatong patungin mo sya sa lalagyan pagnafrozen sya madali naman syang alisin di magdikit dikit.


4.Kapag tapos mo ng gawin pwede mo na ipack at ilagay sa freezer ready anytime na ibenta o ilagay sa food container at ifreezer, lutuin anytime  as ulam ng buong pamilya!



Panoorin ang video paano gawin ang Skinless Longganisa



Comments

Popular posts from this blog

Pangnegosyo Pork Barbecue

Pangnegosyo Polvoron