Pangnegosyo Suman Kamoteng Kahoy
Isa rin ito sa mairerecomenda kong madaling ibenta , kahit ilako lang sa mga kapitbahay siguradong mauubos. Ingredients: 2 kg kamoteng kahoy na kinayod 3 cups brown sugar (iadjust ayon sa inyong panlasa) 1 cup purong gata dahon ng saging na pambalot Paraan ng pagluluto: 1. Pigaan ang kamoteng kahoy, pagkatapos mapigaan ihalo ang asukal at gata, haluing maigi. 2. Maglagay ng 2 kutsara sa dahon ng saging, iroll ito hanggang sa mapormang pabilog at pahaba tulad ng nasa larawan sa baba. Saka baluting maigi. 3. Kapag nabalot ng maigi lahat ay pagpares paresin at talian. 4. Lagyan ng tubig ang steamer, pakuluin at isteam ang suman ng 45 minutes o hanggang sa maluto ito. Kapag luto na, pwede ng kainin o ibenta.