Gusto mong kumita? Pwede mong gawin ito


2,300 pesos lahat 
Shanghai, macaroni salad, spaghetti. fried chicken at pancit

Noemi

Ibabahagi ko lang ang ginagawa ng kapatid ko na si Noemi, kahit nasa barangay lang namin sya kumikita sya sa pamamagitan ng pagtitinda ng mga food na pangmaramihan, karamihan sa mga kapitbahay kapag may birthday nagpapaluto na lang sa kanya kasi affordable naman mga presyo nya pero may tubo pa rin. Maganda yong di masyadong mahal ang tinda mo kasi makakarami ka ng customers kaysa mahal ang presyo mo pero bihira namang may mag order, gaya ng mga Chinese sa negosyo ang kasabihan nila di baleng kaunti basta palagi.


Yang mga larawan ng pagkain ganyan ang mga ginagawa nya halimbawa ang chicken cordon bleu nya 500 pesos ang ganyan karami, ang 1 bandehado ng puto nya ay 200 kaya very affordable talaga. Yong mga set nya mayroong 2,500, 2,000, 1,500 depende sa mga ulam na order ng mga customer nya, yong adobo nya 700 ang isang malaking bandehado yang nasa picture at 400 yong pancit.

Sana makakuha kayo ng idea mula dito kung gusto nyong magtinda ng mga pagkain.

         


                   

  






Nilalagay lang nya sa Facebook nya kaya nalalaman ng mga tao at alam nyo naman madaling kumalat ang balita 😀😀😀 kaya kahit nasa bahay lang pwede kang kumita at isa ang paraan na ito kung marunong ka magluto.






Comments

Popular posts from this blog

Pangnegosyo Skinless Longganisa Recipe

Pangnegosyo Bihon Guisado

Pangnegosyo Pork Barbecue