Pangnegosyo Lugaw, Tokwa at Baboy


Isa rin sa maisuggest ko na itinda kasi bukod sa madaling gawin very affordable pa ang mga sangkap at patok sa mga tao kahit anong oras, pwede mong umpisahan sa almusal hanggang sa meryenda sa hapon siguado sold out ito. Make sure na pagserve ng lugaw ay mainit.

Para sa lugaw:

Magisa ng luya, bawang at sibuyas saka ilagay ang 1 kilo na malagkit na bigas at haluing maigi, lagyan ng 10 litro na tubig at pakuluin ng pakuluin hanggang sa lumapot at timplahan ng asin at kung anomang flavor enhancer ang gagamitin nyong panimpla para sumarap. Huwag mo ng lagyan ng paminta kasi merong iba ayaw ng paminta, maglagay ka na lang ng paminta sa lagayan na ready anytime kung sino ang may gusto.

Para sa baboy:

Pakuluan ang mascara ng baboy (tainga at mukha), siguraduhing malambot then hiwain into strips, lagyan ng sibuyas, toyo at calamansi.






Para sa tokwa:

Prituhin ang tokwa at hiwain. 



Kapag ready na lahat, pwede mo ng simulan ang pagtitinda, ilagay mo sa mga containers ang tokwa at baboy para anytime may oorder ready na sasandukin mo na lang. Ang lugaw dapat manatiling mainit.

Pwede ka magkaroon ng option na add ins nila tulad ng nilagang itlog, lumpia at kung ano pa ang maisip mong bagay para sa lugaw, tokwa't baboy mo. Ang mga add ins nila pwede mo presyuhan per piece.


Dapat always ready rin ang toppings mo na sibuyas dahon, paminta na powder, patis at kung di naman gaanong mahal pritong bawang. Libre na yan.



Mga gamit na kailangan:

Malaking caldero para lutuan ng lugaw
Mangkok to serve the lugaw
Platito to serve the tokwa't baboy
kutsara
salt and pepper shakers


 

Comments

Popular posts from this blog

Pangnegosyo Skinless Longganisa Recipe

Pangnegosyo Pork Barbecue

Pangnegosyo Polvoron