Mga Pangnegosyong Pagkain Idea
Salmon with salad good for 4 persons |
Maganda ring pagkakitaan yong mga food na pang maramihan pero abot kaya lalo na kapag weekend, kahit imessage mo lang ang mga kaibigan mo na pwede silang omorder then ideliver mo or kunin nila, ipakita mo sa kanila ang mga picture at kung magkano at kung pang ilang persons yong mga nasa menu mo. Sigurado ako sa tulong at awa ng Dios makakabenta ka talaga.
Marami pang iba, na pwedeng pagkakitaan. Ilan lamang ito sa mga idea na maibahagi ko base sa karanasan.
Mabenta ang mga pangmaramihan sa abot kayang halaga tulad ng mga sumusunod:
Mabenta ang mga pangmaramihan sa abot kayang halaga tulad ng mga sumusunod:
Pork inihaw, shanghai, hipon, chicken cordon bleu, menudo at spaghetti
Pwede mo rin samahan ng mga side dish or pang add ins nila na mabibili nila per piece or per slice gaya ng mga sumusunod:
fried chicken, chicken kebab, crispy pata, macaroons at maja
Yan po full package na may dessert pa! Mga suggestion ko lang yan na pwedeng pagkakitaan, mag isip kayo kung ano ang patok at affordable para sa target customers nyo. Pwede nyo rin alamin ano ang murang mga ingredients sa lugar nyo na pwede nyong magawan ng masarap na putahe at yon ang ibenta nyo.
Syempre ang pricing ibatay nyo magkano ang nagastos nyo, then isipin mo magkano ang itutubo nyo. Maganda kung ang presyo mo ay friendly sa customer ung di naman masyadong mataas pero di naman din masyadong mababa. In short yong sakto lang :D para makapag establish ka ng magandang raport sa cliente mo at magiging suki mo sila.
Comments
Post a Comment