Pangnegosyo Bihon Guisado
Hello mga kababayan, isa rin sa madaling ibenta ang bihon kasi marami ang isang serving sa abot kayang halaga, kung gusto nyong magtinda nito pwedeng puro bihon lang or katulad nyang nasa picture may kasamang fried chicken breast fillet at puto pao, nasa sa inyo kung paano nyo diskartehan na maenganyo ang mga tao para bumili kapag inalok nyo. Ito naman ginawa ko para ipamigay sa mga kapitbahay noong birthday ko.
Ingredients:
3kg bihon
10 litres water
2 kg pork
2 whole cabbage (sliced)
1/2 kg bell pepper (sliced)
2 kg carrots (sliced)
2 cups soy sauce
6 cloves garlic
2 onion
paminta at asin ayon sa inyong panlasa
( pwede kayong gumamit ng
vetsin, cubes na panimpla, ginisa mix or magic sarap, )
Procedure:
1. Igisa ang bawang at sibuyas saka ilagay ang sahog, sangkutsahing maigi.
2. Ilagay ang bell pepper gisahin ng 1 minuto saka ilagay ang toyo, paminta at asin.
3. ILagay ang tubig at pakuluin, kapag kumula na, timplahang maigi para sumarap.
4. Ilagay ang carrots at bihon, haluing maigi saka ilagay ang repolyo at haluin maigi
5. Haluin every now and then hanggang sa maluto saka patayin ang apoy. Pwede ng ihain o kung itinda ninyo ay palamigin kunti saka balutin.
Panoorin ang video paano lutuin ang bihon
Comments
Post a Comment