Pangnegosyo Grilled Banana Or Ginanggang


Ang grilled banana o mas kilala sa tawag na Ginanggang sa Mindanao kung saan ito nag originate ay isa rin sa mga pwedeng pagkakakitaan na kahit nasa bahay ka lang, ang kailangan mo lang para makapag umpisa ka nito ay ihawan, barbecue sticks, brush at uling  at mga sangkap na:

Hinog na saging saba
margarine
asukal 

Napakadali lang nitong gawin.

1. Iset up ang ihawan , lagyan ng uling at pabagahin.
2. Balatan ang mga saging at tuhugin sa barbecue stick.
3. Kapag bumaga na ang uling ay ilagay ang mga natuhog na saging at lutuin ito, balibaliktarin para maganda ang pagkakaluto.



4. Kapag ganyan na ang itsura ng saging (tulad ng larawan sa baba) ay luto na ito, papahiran mo na ng margarin at budburan ng asukal na puti, at ready na ibenta. 



Ang sarap sarap nito, noong bata pa ako yan ang paborito kong snack kapag recess minsan naman yong banana cue :)





 

Comments

  1. Wow! Mukang masarap po πŸ˜πŸ˜πŸ˜πŸ‘πŸΌπŸ‘πŸΌπŸ‘πŸΌ

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Pangnegosyo Skinless Longganisa Recipe

Pangnegosyo Bihon Guisado

Pangnegosyo Pork Barbecue