Pangnegosyo Braso de Mercedes
Meron akong kaibigan na chef, si Chef PJ marunong syang gumawa ng Braso de Mercedes so ang ginagawa nya kumukuha sya ng order sa mga kakilala nya at dinidiliver nya every Sunday, kasi yong mga ganitong pagkain masarap pagsalu-salohan kasama ang mga mahal sa buhay kapag weekend kung saan almost lahat nasa bahay, so isang magandang idea rin na magbenta ng mga ganitong klase ng pagkain. Yong hindi daily or common sa araw araw, yong kapag may ganyan sa pamilya feeling mo special, mga ganung peg hehehehe. Kaya kung marunong ka gumawa ng mga baked products you can sell it, sa kaso naman ng braso de mercedes, pwede mo ibenta buo, or pwede rin hati kasi meron naman di naman sila masyadong marami sa bahay so gusto nila kalahati lang.
1/2 |
Mga sangkap para sa isang BRASO DE MERCEDES
depende po sa size ng pan na gagamitin nyo, ito malaki po.
Para sa meringue:
14 Egg white
1tsp tartar powder
1 cup of Sugar
2Tbsp of Cornstarch
Procedure para sa Meringue:
Gamit ang mixer ilagay ang 14 egg white at 1 tsp. of tartar powder, saka paandarin ang mixer,unti unting ilagay ang asukal habang pinapaikot ito ng mabagal at isunod ang cornstrach, kapag nailagay na lahat ng conrstarch ilagay sa high speed ang mixer hanggang sa marating ang consistency ng stiff peak sa meringue, kapag na abot na ang consistency na ito, ilagay na natin sa pan.
Lagyan ng lard ang Pan pakatapos ay lagyan ng wax paper para madaling matanggal ang meringue kapag luto na ito.
Isalang natin ito sa oven na may 160°F sa loob ng 30-35 minutes o hanggang sa maluto.
Kapag luto na ang meringue alisin sa oven at hayaan itong lumamig,set aside.
Para sa custard:
7 Egg yolk
200 g Condensed Milk
1 pinch of salt
1tsp of Calamansi juice
75g of Unsalted Butter
Procedure para sa Custard:
Paghaluin ang egg yolk at condensed milk at lagyan ito ng katas ng calamansi at asin, ilagay sa upper pan ng double boiler at idouble boil ito at haluin ng haluin para sama samang mablend ang mga sangkap. Kapag malapot o namoo na ito, hanguin at ilagay ang butter saka haluin hanggang matunaw, blend well until smooth saka ilagay sa ref para lumamig o macompress.
To assemble the Braso de Mercedes:
Sa pag aasemble ng Braso de Mercedes lagyan muna natin ng custard sugar ang ibabaw ng napalamig na na meringue bago natin ito itaob, kapag nataob na alisin ang wax paper at ilagay natin ng pantay ang custard o palaman, pagkatapos nito ay iroll natin hanggang sa mabuo ang Braso de Mercedes, at pwede ng ihain o ibenta!!!
Comments
Post a Comment