Pangnegosyo Halabos Na Hipon

 


Minsan sa palengke kapag dagsa ang supply mas mababa ang presyo kaysa sa normal na daily price so grab that opportunity na magamit mo ang ingredients na yon para kumita ka, tulad ng hipon na ito, kumo mura sya bumili ako para makapagtinda sa mga kakilala at tumubo kahit kunti.
Kahit halabos lang naubos naman.

Mga sangkap:

1 kg hipon (linisin at hugasang maigi)
1 kutsarita asin
sibuyas dahon

Procedure:

1. Painitin ang kawali, ilagay ang hipon at lagyan ng asin at haluing maigi, dapat malakas na malakas ang apoy at haluin ng haluin hanggang sa maluto more or less 10 minutes or hanggang sa maluto. Huwag iovercooked para di dumikit ang balat sa laman at dry.
2. Kapag luto na hanguin agad at ilagay ang dahon ng sibuyas. Pwede mong iportion into 4-5 serving at pwede mo ng itinda.


Comments

Popular posts from this blog

Pangnegosyo Skinless Longganisa Recipe

Pangnegosyo Bihon Guisado

Pangnegosyo Pork Barbecue