Pangnegosyo Palabok From Scratch

 


Sa recipe na ito ay makakagawa ka ng 30-40 styro na palabok na pwede mong itinda at kumita ng malaki.

Kung gusto nyo naman na kunti lang ang gagawin nyo iadjust nyo na lang ang measurement ng mga ingredients.

Ako ang ginawa ko bago ko lutuin nagmessage ako sa mga friends ko na magluluto ako ng palabok baka gusto nilang omorder, kaya nakapagbenta ako ng 30 orders, so nakapagvlog na ako lumita pa ako. Thanks be to God.

Ingredients:

1 1/2 kg Bihon- pakuluan mo then salain ,hugasan ng tubig sa gripo pagkasala para hindi malata then set aside



PALABOK SAUCE INGREDIENTS

1 Garlic head
1 Onion
2 kg giniling
30 cups water
2 cups atsuete  boiled in 5 cups water
Pepper and salt to taste
250g  Corn starch  dissolve in water


PALABOK SAUCE PROCEDURE

1. Igisa ang bawang at sibuyas saka ilagay ang giniling , pwedeng pork, beef or chicken depende kung ano ang gusto nyong gamitin. Gisahing maigi hanggang sa masangkutsa ito.

2. Samantala ang atsuete na 2 cups ay ilagay sa kaldero at lagyan ng 5 cups na tubig at pakuluan ito ng 5-10 minuto para lumabas ang kulay ng atsuete, pagkatapos pakuluan ay salain to get the water. 

3. Kapag nasangkutsa ng maigi ang giniling ilagay na ang katas ng atsuete na nasala (ubusin), ang atsuete mo depende sa kulay ng palabok na gusto mo kung gusto mo dark or lighter color iadjust mo na lang ang paglagay ng atsuete.
hayaang kumulo ng 5 minuto saka ilagay ang 30 cups na tubig.
( ang tubig ibatay mo kung pang ilan ka tao ang kakain example 10 persons at bawat person ay 1 cup ang sauce so 10 cups na tubig ang ilagay mo) kaya 30 cups nilagay natin kasi ang target natin na magawa 30 orders

4. Timplahan ng asin at paminta pwede rin kayong gumamit ng mga flavor enhancers tulad ng shrimp cubes, vetsin, magic sarap, ginisa mix , etc kung ano ang gusto nyo, pakuluang mabuti hanggang sa sumarap ang ating sauce.
5. Kapag malapit ng hanguin lagyan ng pampalapot na corn starch haluing maigi habang nilalagay para hindi magbuo buo. Pag satisfied na kayo sa consistency ng lapot ay pwede nyo ng patayin ang apoy at palamigin ang sauce at ihanda ang toppings for palabok para maging ready to assemble na.


TOPPINGS:
boiled eggs
 chicharon dinikdik
 sibuyas dahon
hipon na ginisa
tinapa 
 pritong bawang
calamansi


Sa pag assemble una ilagay ang bihon, then sauce saka mga toppings and ready to be served!!!! ENJOY!!

Sa pricing kayo na bahala magkano nyo ibenta ang 1 serving, kasi kung nasaan ka man maaring iba ang presyo ng mga ingredients sa lugar mo kaysa sa lugar ko. Itotal mo lahat ng expenses then kwentahin mo ilang servings ang nagawa mo doon mo ibabatay ang presyo kung magkano. 



Panoorin ang video paano gawin ang palabok

Comments

Popular posts from this blog

Pangnegosyo Skinless Longganisa Recipe

Pangnegosyo Pork Barbecue

Pangnegosyo Polvoron