Pangnegosyo Pork Barbecue

 



Alam kong common din sa Pilipinas ang pagtitinda ng barbecue kaya isa rin ito sa mairerecomenda ko na maaari nyong gawin sa bahay ninyo na di kailangan ng maraming puhunan, pinaka main mong gamit na kailangan ay ang barbecue stand o ihawan  the rest na mga needs ay uling, barbecue sticks at brush pampahid ng sauce. Ito naman ang mairerecomenda kong barbecue recipe.

Mga sangkap:

2 kilo pork kasim o perna (hiwain)

1 tasa Sprite

1 tasa ketchup

1 tasa  pineapple juice

¼ kutsaritang paminta powder

1/2 tasa toyo

1/4 tasa calamansi juice o suka

asin ayon sa iyong panlasa

 

Procedure:

1. Pagsamahin ang lahat ng mga sangkap at i-marinate nang 2 oras timplahing maigi ayon sa iyong panlasa iadjust ang measurement ng ingredients kung sa tingin ninyo ay kulang sa lasa, pagkatapos ng 2 oras pwede na itong tuhugin, at ready ng magsimula ng pagtitinda.

2. Maglagay ng katamtamang dami ng uling sa ihawan at pabagahin ito.


3. Habang niluluto ang barbecue  ay balibaliktarin ito at pahiran ng sauce para masarap. Huwag mong iovercooked para hindi dry.

Simpleng barbecue sauce na pampahid habang niluluto

1 cup ketchup
1 kutsara katas ng calamansi
1 kutsara toyo
1/2 cup Sprite

Haluin lahat at ready na gamitin kung kulang sa tamis add  1 kutsara asukal



Kung marami kang customers pwede kang mag half cooked na ng ilang piraso para kapag may bumili di sila maghintay ng matagal. Pwede ka rin magluto ng pork barbecue at ilako mo sa mga kabarangay mo para kumalat ang balita at ipost mo sa facebook mo.


Kung mayroon kang isang masarap na recipe ng barbecue maaari mo itong ibahagi sa akin, salamat and enjoy cooking.


Comments

Popular posts from this blog

Pangnegosyo Skinless Longganisa Recipe

Pangnegosyo Polvoron