Pangnegosyo Relyenong Bangus



Ang Relyenong Bangus ay isa sa pinakatanyag na putahe ng bangus sa Pilipinas. Medyo matrabaho pero sulit sa bentahan. Kapag nakasanayan mong gawin madali na lang at madali ding maibenta.

 

Mga sangkap:

6 bangus  malinis na

2 sibuyas (diced)

6 butil bawang (tinadtad)

3 karot (tinadtad)

2 tasa green peas or gisantes

1 kutsarita pamintang durog

1 tasa pasas

Asin at paminta pampalasa (pwedeng lagyan ng ginisa mix/magic sarap)

Mantika na pagpipirituhan

1 cup corn starch or harina for dusting

 

PROCEDURE:

 

1. Una nating gawin ay alisin ang laman ng bangus at ingatang hindi mapunit ang balat. Baliin ang buto sa may buntot at sa may ulo, saka pisil pisilin ng malakas para maghiwa hiwalay ang laman at hilain ang buto para maalis. Ipasok ang kutsara sa loob at kayurin ang laman ng isda.

 

 2. Kapag naalis na ang lahat ng laman ng bangus at mga tinik ay ilagay ito sa kawali at sindihan sa mahinang apoy at pakuluan hanggang sa maluto, kapag luto na ay palamigin, saka himayin at alisin ang lahat ng mga tinik. Set aside.

 

Ngayon gagawin natin ang palaman para sa relyenong bangus

 

3. Igisa ang bawang at sibuyas pagkatapos ay ilagay ang laman ng bangus at haluing maiga saka idagdag ang lahat ng mga sangkap at haluhaluin over medium heat hanggang sa maluto. Hanguin at palamigin bago ipalaman sa bangus.

4. Kapag malamig na ay pwede ng palamanan ang balat ng bangus, pagka napalamanan na ay pagulungin ito sa harina or cornstarch para di gaanong tumalsik kapag pinirito.

5. Magpainit ng mantika at pirituhin palubog ang relyenong bangus, kapag naluto na ay hanguin ito at patuluin ang mantika. Pwede ng iulam o ibenta sa mga kaibigan.




Nasa sa inyo kung alisan nyo ng kaliskis ang bangus o hindi, pareho namang ok. Mas matalsik lang kapag walang kaliskis.

Comments

Popular posts from this blog

Pangnegosyo Skinless Longganisa Recipe

Pangnegosyo Pork Barbecue

Pangnegosyo Polvoron