Pangnegosyo Shanghai Rolls


Ang lumpiang Shanghai o Shanghai roll ay isa sa mga putahe na pwedeng pwede mong ibida kahit anomang okasyon, masarap na affordable pa. Kaya pwede mo itong gawing always available sa mga customers mo, para kung mayroong handaan sa kanila or kahit weekend salo salo lang ng pamilya nila pwede silang omorder sa iyo. Para sa 100 piraso na shanghai ito ang mga sangkap na kailangan mo. Maghanda ka na rin ng 120 pirasong lumpia wrapper para sakaling may mabutas may extra ka na wrapper

Mga Sangkap:

1kilo giniling na baboy 
1/2 kilo patatas (minced)
1/2 kilo carrots (minced)
2 onion (minced)
1 big red bell pepper  (minced)
1 cup dahon ng sibuyas  hiniwang maliliit
salt and pepper to taste 
magic sarap or ginisa mix ayon sa iyong panlasa


Procedure:

1. Sa isang malaking mixing bowl paghaluhaluin ang lahat ng mga sangkap para matimplahang maigi. Haluing maigi para pantay ang lasa.

2. Kapag nahalo ng maigi kumuha ng lumpia wrapper at lagyan ng giniling mixture, balutin ito ng mahigpit na maghigpit para siguradong pagkaluto nito matagal maalis ang kanyang pagiging malutong. Pwedeng maghalo ng harina at tubig para gamitin pandikit sa lumpia.

3. Pagnatapos na itong balutin, ipiritong palubog o deep fry hanggang sa maluto, dapat katamtaman lang ang apoy para maluto pati sa loob. Kapag masyadong malakas ang apoy ang mangyayari luto na ang wrapper hilaw pa ang loob.

4. Kapag luto na, hanguin ito at patuluin saglit ang mantika, pwedeng maglagay ng tissue at doon patuluin. Pwede itong ibenta ng per piece or per dozen or depende sa mapagkasunduan ninyo ng cliente mo. Pwedeng pwede ito sa mga catering services.


Panoorin ang video paano gumawa ng lumpia


Comments

Popular posts from this blog

Pangnegosyo Skinless Longganisa Recipe

Pangnegosyo Pork Barbecue

Pangnegosyo Polvoron