Pangnegosyo Sisig Recipe
Mga Sangkap:
3 kilo mukha at tainga ng baboy (mascara)
1/2 cup katas ng calamansi (dagdagan o bawasan ayon sa panlasa)
1/2 cup toyo
1/2 kilo sibuyas tinadtad
1 ulo ng bawang tinadtad
1/4 kilo siling haba (tinadtad)
asin at paminta ayon sa inyong panlasa
iadjust nyo na lang ang measurements ng mga ingredients ayon sa inyong panlasa.
Procedure:
1. Ilagay sa caldero ang mascara ng baboy at pakuluan ito hanggang sa lumambot.
2. Kapag malambot hanguin ito at ihawin ng bahagya saka tadtarin. Kung wala ng time para ihawin, ok lang din. Kapag natadtad na set aside.
3. Igisa ang bawang at sibuyas , saka ilagay ang sila at igisang maigi, tapos ilagay ang tinadtad na mascara ng baboy, sangkutsahing maigi.
4. Kapag nasangkutsa ng maigi ilagay ang toyo at haluing maigi hanggang kumapit ang kulay ng toyo, saka ilagay ang calamansi, haluin ng haluin at ituloy ang pagluluto sa katamtamang apoy.
5. Timplahan ng paminta at asin ayon sa inyong panlasa, at pwede ring maglagay ng mga powder na flavor enhancer kung gusto nyo.
Comments
Post a Comment