Pangnegosyo Spaghetti Sauce
Kung nag iisip kayo na magtinda ng spaghetti, subukan nyo ang sauce na ito, lahat ng nakatikim nito isa lang ang sinasabi ''MASARAP''
Mga sangkap:
6 butil ng bawang (dinikdik)
1 buo sibuyas (hiniwa)
1/2 kilo giniling na karne ( beef, chicken or pork nasa inyo kung anong karne)
1 kilo tomato sauce
1 kilo tomato paste
1/2 kilo ketchup
1/2 kilo hotdog (hiniwa)
1 lata gatas condensada (380 grams)
1 lata gatas evaporada (370ml)
1 lata All purpose cream (Nestle, Magnolia, etc)
1/2 tasa mantika
asin ayon sa iyong panlasa
paminta ayon sa iyong panlasa
Paraan ng Pagluluto:
1. Initin ang mantika at igisa ang bawang at sibuyas pagkatapos ay ilagay ang
giniling, lakasan ang apoy at sangkutsahing maigi ang karne, timplahan ng asin
at paminta haluin at hayaang kumulo ng 5 minuto.
2. Ituloy ang pagluluto sa malakas na apoy, ilagay ang tomato sauce, tomato
paste, at ketchup, haluing madalas para maiwasang masunog, kapag naigisa ng
maigi ang sauce ay ilagay ang condensada at hayaang kumulo sa loob ng 10
minuto, haluin paminsan-minsan.
3. Ilagay ang hotdog at hayaang kumulo hanggang sa maluto ito. Icheck ang lasa kung sakto na, kung hindi pa timplahin ng maigi.
4. Ilagay ang evaporada at all purpose cream haluing
maigi at patayin kapag kumulo na.
5. Pwede ng gamitin ang sauce na ito para panglagay sa spaghetti.
Ang sauce na ito ay kasya para sa 3-4 kilos na spaghetti, party time!
Kung sa palagay nyo kulang sa tamis pwedeng dagdagan ng asukal.
Comments
Post a Comment