Pangnegosyo Buko Pandan

 

Ito ay nasold out agad nagmessage lang ako sa group chat namin kung sino ang may gusto order na, di inabot ng 30 minuto, ubos na agad! 

Mga sangkap:

18 piraso buko  maliliit na vareity, kung malalaki buko sa lugar nyo iadjust no na lang to 15piraso

 1 kg all purpose cream  or 4 carton ng tig 250ml

1 1/2 lata condensed milk (yong 390g) 

2 sachet buko pandan gulaman 

1 kutsara Mccormick buco pandan flavoring


Procedure:

1. Una lutuin natin ang buco pandan gulaman, ayon sa instruction na nasa package, pero ako binawasan ko ang measurement ng tubig para mas firm ang gulaman, nakasulat sa package 1.5 litre pero ang ginamit ko lang ay 1 litre. Pagkumulo na pwede na natin patayin at ilagay sa tray at patigasin no need irefrigerate kasi titigas naman ang gulaman kahit di irefrigerate.

2.  Ang buko ay kayurin natin ng raspador then ilagay sa malaking mixing bowl.

3. Kapag matigas na ang gulaman hiwain natin ito na kasing laki ng nata de coco at ihalo sa buko

4. Ilagay na rin ang iba pang mga sangkap at haluing maigi. Ganyan lang kadali gawin ang buko pandan salad.

5. Palamigin ito at pwede ng itinda.

6. Para pantay ang servings pwede mong timbangin, kung wala kang timbangan, cup na lang. Pwede kang maghanap ng mas magandang lalagyan, dito kasi sa lugar ko mahirap makabili ng mga lalagyan puro styro lang.  Kung ilalako mo naman pwede ung disposable na cup ang gamitin mo, mas maigi 12 oz. size.



Ready na para ideliver!!!!




Comments

Popular posts from this blog

Pangnegosyo Skinless Longganisa Recipe

Pangnegosyo Bihon Guisado

Pangnegosyo Pork Barbecue