Pangnegosyo Arroz Caldo
Isa rin sa mairecomenda kong pwedeng itinda ay ang arroz caldo, kasi essential talaga ito heheheehe, Isang paraan para maibenta mo ito ay sa umaga yong pang almusal na oras pwede mong ilagay sa mga disposable na lalagyan, pang take out ang dating nya. Kung malapit ka sa palengke, paradahan at eskwelahan pwedeng pwede itong ibenta sa mga mga maagang pumapasok sa trabaho gaya ng mga nagtitinda sa palengke, marami akong nakikitang naglalako ng arroz caldo sa palengke kapag namamalengke ako ng maaga. Kung may maliit ka naman na pwesto swak na swak rin ito.
1/2 kg malagkit bigas
1/2 kg normal na bigas
10 litro tubig
1 sibuyas tinadtad
4 bawang tinadtad
1 kg manok hiniwa
1 cup luya hiniwang manipis na pahaba
1/2 cup fish sauce (patis)
paminta at asin ayon sa iyong panlasa
Procedure:
1. Igisa ang luya, bawang at sibuyas
2. Ilagay ang manok at sangkutsaing maigi, pagkatapos ay ilagay ang patis, asin at paminta haluin ng maigi. Pwede nyong lagyan ng magic sarap o chicken cubes para lalong sumarap at magustuhan ng mga customers.
3. Idagdag ang bigas at igisa ng ilang minuto para maabsorb ang ang lasa ng patis.
4. Ilagay ang tubig at hayaan itong kumulo ng kumulo hanggang sa maluto ang bigas. Dagdagan ng tubig kung sa tingin nyo kulang yong 10 litro.
5. Serve and enjoy!!
for garnishing:
hiniwang dahon ng sibuyas
nilagang itlog
pritong bawang
calamansi
Comments
Post a Comment