Pangnegosyo Daing Na Bangus

Last week ibinahagi ko dito ang ginagawa ng kapatid kong si Noemi para kumita nagtitinda sya ng pagkain na pangmaramihan ang 1 serving, tapos kapag walang nagpapaluto sa kanya gumagawa rin sya ng daing na bangus at mabenta rin sa mga kapitbahay. Yang ganyan kalaki binibenta nya ng 50 pesos ang isa pero kapag 2 ang kukunin binibigay nya ng 90 pesos lang kaya nakakabenta sya ng marami kasi dalawa dalawa ang binibili ng mga customer nya kasi may discount syang binibigay pag higit sa isa ang bibilhin.

Noemi

Kaya isa rin ang daing na bangus na maisuggest ko na pwede nyong pagkakitaan, kasi bibilhin talaga ng mga tao dahil madaling lutuin at masarap, pwede rin pambaon, so kung nagmamadali sila sa umaga na magluto in na in ang daing na bangus dahil madali lang talagang lutuin. Kung gagawa ka man ng daing na bangus di rin mahirap hanapin ang mga sangkap. Hindi ko lalagyan ng specific measurement kasi depende naman kung gaano karami ang gagawin ninyo, pero ang mga sumusunod na sangkap ang  kailangan mo lang.


Mga Sangkap:

Bangus hiniwa na pang daing at malinis na
suka
katas ng calamansi
asin
pamintang durog
bawang dinikdik pino
laurel= pwede itong wala, pero mas mabango kung lalagyan mo
lagyan mo rin ng magic sarap or ginisa mix kasi ibebenta mo dapat masarap talaga.


Procedure:

Katulad ng nasa larawan sa baba ilagay ang bangus ng patihaya  saka mo budburan isa isa ng asin, paminta , ginisa mix, bawang na dinikdik, suka at calamansi then pagkatapos mong budburan saka mo parang imasahe sa bangus ang mga ibinudbod mo para maabsorb talaga ang lasa then patungan mo na ng another layer ng bangus, ulitin mo lang ang proseso hanggang sa matapos mong timplahan ang lahat ng isda  saka mo ilagay ang laurel sa nakalayer mo na daing, lagyan mo sa ilalim, sa gilid, sa gitna sa ibabaw, then irefrigerate mo na, Maigi na ganito mo timplahan para pantay pantay ang lasa,




 

Comments

Popular posts from this blog

Pangnegosyo Skinless Longganisa Recipe

Pangnegosyo Pork Barbecue

Pangnegosyo Polvoron