Pangnegosyo Gelatin Salad

                            


Mabenta ito sa mga kapitbahay dahil affordable at refreshing talaga lalo na kung mainit ang panahon.

Ingredients: 1 pack buko pandan flavor gelatin 1 pack strawberry flavor gelatin 1 pack Grapes flavor gelatin 1 pack orange flavor gelatin 1 1/2 kg all purpose cream or 6 box of 250ml all purpose cream 2 can condensed milk (390g)

Procedure:
1. Una lutuin muna lahat ng gelatin at patigasin . Kung ano ang nasa instruction ng gelatin kung paano lutuin sundan nyo na lang pero bawasan nyo ang tubig para firm ang gelatin Example kung ang instruction 1.5 litres ng tubig ang ilagay ang gawin nyo 1 litre lang ang ilagay nyo. Kung after nyo pinatigas ang gelatin hindi sya firm, tunawin nyo uli then ldagdagan nyo ng gelatin powder at patigasin uli 2. Kapag matigas na ang gelatin ay hiwain ito (dice)




3. Sa isang malaking mixing bowl paghalu-haluin ang hiniwang gelatin, all purpose cream at condensed milk , Kapag nahalo ng maigi, palamigin at pwede ng ibenta. Pwede kayong gumawa ng 300ml at 500ml. Sana subukan nyo ito, sigurado magugustuhan ng mga cliente lalo na sa mainit na panahon.





Comments

Popular posts from this blog

Pangnegosyo Skinless Longganisa Recipe

Pangnegosyo Bihon Guisado

Pangnegosyo Pork Barbecue