Pangnegosyo Ihaw-Ihaw






Isa pang malakas pagkakitaan tuwing hapon ay ang ihaw ihaw kahit sa labas lang ng bahay nyo ok  na ok lalo na kung maraming dumadaan sa lugar ninyo. Madali lang itong gawin kailangan mo lang ng ihawan  at ang ibang kailangan mo madali lang naman mabili sa palengke dapat lang matiyaga ka na iprepare ito at panalo kung ang timpla mo sa carne at sauce ay talagang masarap. 
Pwede kang mag umpisa sa mga patok sa mga tao gaya ng pork barbecue, chicken, isaw at hotdog.



pork

chicken

Isaw

hotdog


Kahit yang apat lang muna ang umpisahan mo sa labas ng bahay nyo ok na ok na yan, pero kung may pwesto ka naman at  maraming tao pwede mong gawin tulad ng ginagawa ng kapatid kong si Daisy 
Daisy

Komo may pwesto sya naglalagay sya ng mga maliliit na tables at upuan para pwedeng kumain ang mga tao. Sa tables mayroong toyo, suka, calamnsi na ready to be used at siling labuyo at toothpicks para after kumain available agad, tipid ka na sa trabahador kapag nasa tables na lahat ang mga kakailanganin nila sa pagkain, di yong tatawagin ka pa ng customer na kailangan nila ng toyo, kailangan nila ng sili, etc.


Then malaki ang ihawan nya at nakapatong ang caldero ng sabaw para laging mainit dahil namimigay sya ng free sabaw sa mga kumakain. Ang sabaw nya  ay pinakuluang buto buto ng baka at tinimplahan para sumarap, isang paraan din yon para maengganyo ang mga customer kasi may libre kang sabaw na nilalagay sa maliliit na mangkok.

Panatilihing malinis at maayos tingnan ang mga paninda mo tulad nito, marami talaga syang customer kasi bukod sa masarap kita rin na maayos ang display nya at maraming pagpipilian, 

Ito rin mabenta para sa mga grupo na kumakain kasi budget friendly at marami na sila na makakakain at dagdagan na lang nila ng iba pang pang individual na items.



Tapos maglagay ka pa ng mga items na  talagang magugustuhan ng mga tao gaya ng mga larawan na nasa baba, patok sa maraming customers.

Balumbalunan

Atay ng baboy

atay ng manok

mukha ng baboy

tainga at mukha o mascara ng baboy

pork chop


At kung ano pa ang sa palagay mong mabenta sa lugar ninyo yon ang idagdag mo.

Habang iniihaw mo maganda pahiran mo ng sauce para lalong lumasa ang mga barbecue mo.

 Sa mga isda naman mag mix ka ng toyo at calamansi then lagyan mo ng mantika at yon ang ipahid mo habang iniihaw para mabango  at masarap.


Para masarap ang ihaw ihaw mo, imarinate mo ung mga karne at timplahan mong maigi isa sa pampsarap ng lasa ay ang paglalagay ng anisado ( uri ng cooking wine) available yan sa mga supermarket ipagtanong mo lang. 
At pampasarap rin ang Sprite sa sauce.

Comments

  1. Wow! Nakaka miss talaga pilipino food👏👏👏👏

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ano ano po ang order nyo para mailuto na natin hehehe

      Delete
  2. wow so yummy naman po nyan ate mels hehe nakakagutom favorite ko yan isaw tas maanghang ang sawsawan, namiss ko din te ang inihaw na bangus sayang lng at wala dto nyan satin, busugin ko na lng te mata ko sa tingin 😍😍

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga nakakamiss, ang tagal ko ng di nakakainng tiyan ng bangus heheeheh

      Delete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Pangnegosyo Skinless Longganisa Recipe

Pangnegosyo Pork Barbecue

Pangnegosyo Polvoron