Pangnegosyo Lechon Kawali
Mmmmmm
amoy pa lang ulam na 😃 Masarap at malutong na piniritong baboy sa kawali. Ang technique sa pagtitinda nito , pre order para alam mo gaano lang karami ang lulutuin mo.Kung halimbawang target mo ideliver Sunday, during weekdays imessage mo na ang mga kaibigan mo kung gusto nila omorder kasi magdeliver ka sa Linggo bago lunch time para bibili talaga sila kasi most of the family salu-salo kapag linggo.Pwede mong hatiin sa 4 hiwa ang 1 kilo then ang price mo sa pagtinda ibatay mo kung magkano expenses mo. Masarap ito kapag crispy ang
labas, tapos juicy at malambot ang loob, gaya ng nasa larawan.
Mga Sangkap:
2 kilo liempo ng baboy (pork belly)
3 butil
ng bawang (dinikdik)
Tubig
1 Sachet magic sarap
asin at
paminta na panimpla
Mantika
na pagpipirituhan
Paraan ng
pagluluto:
1. Ilagay
sa kaldero ang liempo, bawang, magic sarap, paminta at asin.
2. Lagyan
ng tubig na lagpas ng kaunti sa karne, lagpas ng 1/2 pulgada (inch).
3.
Pakuluan hanggang sa lumambot. Alisin sa tubig kapag malambot na.
4. Budburan ng kaunting asin at paminta bago prituhin. Sa pagpipirito nito ilagay mo bago ka uminit masyado ang mantika para di gaanong matalsik sa umpisa, takpan mo habang nagpipirito ka para di ka matalsikan, then kapag icheck mo babaan mo muna ang apoy para di tumalsik.
Comments
Post a Comment