Pangnegosyo Macaroni Salad




Ito ako mismo ang nagbenta nito sa mga kapitbahay ko , Nagmesaage ako 3 days before sa kanila sabi ko mayroon akong macaroni salad na available sa linggo order na para di ka maubusan, siguradong masarap, sa sobrang sarap makakalimutan mo problema mo at  makakalimutan mo may utang ka pa sa akin noong nakaraan  😅😂😁😂😂 joke lang po. Kayo na bahala magsales talk sa mga friends nyo.

Mga Sangkap:

1 kg macaroni ( cook according to its packaging procedure) Drained

1 kg all purpose cream ( dagdagan kung kailangan)

1  cup mayonaise

2 cans corn kernel (drained)

1 can  pineapple tidbits 432grams( drained)

1/2 kg nata de coco any color na gusto nyo ( drained)

3/4 cup pineapple juice mula sa pineapple tidbits- para di dry ang salad

1 cup raisins

 1 1/2 can of condensed milk (the 390gcan)

 
Procedure:

 Sa malaking mixing bowl pagsamasamahin lahat ng mga sangkap at haluing maigi. Ilagay sa refrigerator para palamigin bago ihain o ibenta.



  Kapag malamig na pwede na itong ipack  per serving tulad ng larawan sa ibaba.  Sigurado ako madali itong ibenta dahil gusto ito ng mga tao kahit anong oras.



Para sa costing mo itotal mo lahat ng expenses, Then ilang servings ang nagawa mo? Doon mo ibabatay kung magkano mo ibebenta per pack na mababawi mo ang expenses mo at mayroon ka ring tubo.





Comments

Popular posts from this blog

Pangnegosyo Skinless Longganisa Recipe

Pangnegosyo Bihon Guisado

Pangnegosyo Pork Barbecue