Pangnegosyo Mga Kakanin sa Bilao



Isa rin sa magandang itinda ay yong mga pagkain sa bilao lalo na ng mga kakanin, talagang mabenta kasi affordable at pang buong pamilya talaga.  Marami rin akong mga kakilala na kumikita sa ganitong paraan. Mahirap man ang buhay pero kapag gumagawa ng diskarte nakakaraos din sa tulong at awa ng Dios.


Isa na ang kaibigan kong si Jennife na taga Cagayan De Oro City, di sya marunong magluto ng mga kakanin pero ang diskarte nya kumukuha sya sa supplier ng mga kakanin sa bilao at binibenta nya. Kahit ganun lang ginagawa nya kumikita pa rin sya pinakamaliit na yong tubo na 50 pesos sa isang bilao, not bad. Kung magaling ka magbenta makakarami ka.  Lalo na kapag ikaw marunong magluto, mas malaki ang kikitain mo. 
Ito ang mga producto ng supplier ni Jenife


Biko Recipe:

Ingredients:
1 kilo Glutinous Rice
4 cups  water


Procedure:
1. In a pot put the glutinous rice and water then cook over medium heat, once boiling adjust the heat to low then continue cooking, stirring occasionally, until done.

While waiting for the rice to be cooked, let us prepare the following for our coconut-sugar syrup. 

3  cups coconut milk
1/4 kilo sugar
1/2 cup condensed milk

Procedure:
1. Put everything in a wok then bring to a boil, when boiling lower the heat and continue to simmer and stir until it thickens.
2. Add the cooked glutinous rice and mix evenly, then continue to stir until it is done.
3. Cool and serve with smile. You can top it with latik or the syrup for extra flavor and aroma or just serve it plain.


Puto Recipe

Mga sangkap:

180 gramo harina
160 gramo asucar puti
10 gramo baking powder
2 tasa fresh milk o evaporada
1 kutsara tinunaw na butter o mantika
1 itlog 


Procedure:

1. Pagsama-samahin ang harina, asucar at baking powder, salain ito, pagkatapos masala ay ilagay ang itlog at gatas, paghaluing mabuti.
2. Ilagay ang butter o mantika at haluing maigi, ilagay sa mga hulmahan ng puto, wag masyadong punuin dahil habang niluluto ang puto, umaalsa ito.
3.I-steam ito ng 10 minuto, kapag malapit ng maluto saka ipatong ang cheese kapag luto na ay hanguin at palamigin bago alisin sa hulmahan para di  masira.




Puto Flan Recipe

Mga sangkap para sa puto:

2 tasang all purpose flour
1 tasang asukal
2 1/4 kutsarita ng baking powder
1/4 kutsarita ng asin
1 kutsarita mantika
1  itlog
2 tasa ng fresh milk o evaporated milk

Procedure:
1. Pagsamahin ang harina, asin, asukal at baking powder pagkatapos ay salain ito.
2. Sa isang mixing bowl pagsama-samahin ang sifted ingredients, egg, butter and milk then mix very well until the batter is smooth in texture.Set aside.


Ito ang mga sangkap para sa flan mixture:

1 tasang condensed milk
4 na itlog
1/2 tasa ng sariwang o evaporated na gatas

Procedure:

Paghaluin maigi ang lahat ng mga sangkap para sa flan.


How to assemble the puto flan.

1. Maglagay ng tubig sa steamer at pakuluin.
2. Punan ang bawat molder ng 1 kutsara ng flan mixture pagkatapos ay isteam ito ng 5 minuto o hanggang sa maluto. Hanguin.
3. Lagyan ng isang kutsarang  puto  mixture ang nilutong flan at ipagpatuloy ang pag isteam ng 7 minuto o hanggang sa maluto. Kapag luto na hanguin na ito.
4. Hayaang lumamig bago alisin sa mga hulmahan. 





Kutsinta Recipe

Mga sangkap:
1  1/2 cup all purpose flour
1/2  cup  sugar
1/2 teaspoon orange food coloring
1 1/2 cups water
1 teaspoon lye water


Procedure:
1. Sift all the dry ingredients then combine everything until fully mixed. Pour into molders about 3/4 full and steam for 15 minutes or until done.
2. Remove from steamer then allow few minutes to cool before removing from the molders then serve with or without grated coconut.






Comments

Popular posts from this blog

Pangnegosyo Skinless Longganisa Recipe

Pangnegosyo Pork Barbecue

Pangnegosyo Polvoron