Pangnegosyo Banana Cue at Camote Cue






Ito ang paninda na wala kang lugi dahil patok na patok sa masa mauubos talaga, mula noon hanggang ngayon, bata man o matanda talagang gustong gusto ito, pwede mong pagsabayin ang camote cue at banana cue dahil pareho lang naman sila ng proseso ng pagluluto.  Kailangan mo lang na gamit dito ay kawali na mapaglulutuan, mantika, asukal, barbecue sticks at ready ka na na makapag umpisa, madali lang mabili sa palengke ang hinog na saging at camote, umpisahan na natin!

Mga sangkap:

hinog na saging- balatan
camote- balatan at hiwain
mantika
pulang asukal

barbecue sticks

Procedure:

1. Magpainit ng mantika sa kawali, kapag mainit na ilagay ang saging o camote depende kung ano ang una mong lutuin, pagnalagay na ay lagyan na ng asukal, para maganda ang pagkakacaramelize ng asukal , kapag hinango mo na ang camote o saging ang ganda ng resulta. Ganyan lang kadali lutuin ang camote at banana cue.

2. Kapag luto na , hanguin ito  at  ilagay ito sa barbecue sticks at pwede na itinda.

Comments

Popular posts from this blog

Pangnegosyo Skinless Longganisa Recipe

Pangnegosyo Bihon Guisado

Pangnegosyo Pork Barbecue