Pangnegosyo Bibingka

 




Masarap at malinamnam ang bibingka recipe na ito kaya swak na swak na pangnegosyo subukan nyo na. May kaibigan ako na nagtitinda nito, dami nyang  sales. Kaya nakakaenganyo. 

Ingredients:

1 1/2 cup giniling na bigas

400ml gata

8 kutsara asukal puti

1 kutsarita yeast

1 kutsarita baking powder

1 kutsara mantika

1 egg 

Pinch of salt


Procedure:

1. Paghaluin lahat ng ingredients sa isang mixing bowl, kapag smooth na ang mixture, Let it rest for 1 hour, room temperature:

2. After 1 hour, pwede ng ilagay sa mga molder at ipreheat ang oven sa 180 degrees at ibake ang bibingka sa loob ng 20 minutos or hanggang sa maluto depende sa laki ng hulmahan ang timing ng pagluluto.

3. Kapag luto na ay pwede ng ibenta, maghanda ng kinayod na niyog pang toppings. 



Kung maglalagay kayo ng salted egg topping bake nyo muna sa loob ng 15 minutes then alisin sa oven saka ilagay ang salted egg toppings then continue baking until done.

Pagtinda pwede budbuan ng kinayod na niyog.

Comments

Popular posts from this blog

Pangnegosyo Skinless Longganisa Recipe

Pangnegosyo Bihon Guisado

Pangnegosyo Pork Barbecue