Pangnegosyo Itlog Na Maalat
Itong negosyo na ito wala kang talo kasi kung di man maibenta pwede mo naman iulam, pero imposibleng di maibenta dahil gustong gusto ito ng mga tao. Pwede mong ibenta per piece or per dozen. Madaling gawin at pwede mong gamitan ng itlog ng pato or itlog ng manok depende kung ano available sa lugar mo. Ang itatagal ng buhay ng itlog na maalat ay dumedepende kung paano mo ito ginawa. Umpisahan na natin!!
Mga sangkap
30 piraso itlog
500g asin
1.5 litro ng tubig
Procedure:
1. Pagsamahin ang tubig at asin sa isang kaldero, haluin maigi at pakuluin hanggang sa malusaw ang asin. Patayin ang apoy at palamigin.
2. Kapag malamig na, ay ilagay sa isang plastic container o garapon na malaki saka ilagay ang itlog at itago ito sa cabinet sa loob ng 30 days.
3. After 30 days, pwede na itong alisin sa tubig at lutuin, pakuluan ng 25 minutes at pwede na itong hanguin, pero kung gusto mo na mas matagal ang buhay ng itlog na maalat at nagmamantika hayaan mo lang ito sa mahinang apoy sa loob ng 6 hours.
Nasa sa inyo kung lagyan nyo ng kulay o hindi, kung lalagyan nyo ng kulay, pwede nyong isabay habang niluluto ang itlog patakan nyo ng food coloring ang tubig at 2 kutsarang vinegar para maganda ang kapitng kulay.
Huwag lakasan ang apoy para di macrack ang mga itlog habang niluluto
Comments
Post a Comment