Pangnegosyo Biko





Isa rin ito sa mabenta ang biko, kaya tara na at magluto tyo


Mga sangkap para sa Kanin :

1 kilo ng Malagkit na Bigas

4 tasang tubig


Procedure:

1. Sa isang kaldero ilagay ang malagkit na bigas at tubig pagkatapos ay lutuin sa katamtamang apoy, kapag kumulo na ay hinaan ang apoy para di masunog  at hintayin itong maluto, pwedeng haluin paminsan minsan para di masunog ang ilalim.


Habang naghihintay na maluto ang kanin, ihanda natin ang mga sumusunod para sa ating coconut-sugar syrup at ito ang mga sangkap.


3 tasang gata ng niyog

1/4 kilo ng asukal

1/2 tasa ng condensed milk


Procedure:

1. Ilagay ang lahat sa isang kawali at pakuluan, kapag kumulo  na ay hinaan ang apoy at patuloy  itong lutuin at haluing madalas hanggang lumapot.

2. Kapag malapot na ay ilagay ang nilutong glutinous rice at haluing maigi para pantay ang itsura ng biko, haluin ng haluin hanggang sa marating ang consistency ng biko na ibig mo.

3. Palamigin  at hiwain sa sukat na ibig mo o para mas presentable ang pagtitinda, ilagay mo sa mga dahon na nakabilog, at para maporma mong bilog ang biko gumamit ka ng takip ng garapon.  Pwedeng budburan ng linga o latik  para mabango at mas kaakit akit




Comments

Popular posts from this blog

Pangnegosyo Skinless Longganisa Recipe

Pangnegosyo Pork Barbecue

Pangnegosyo Polvoron