Pangnegosyo Puto Recipe
Sa pagawa ng mga panindang puto mas maigi na by grams ang measurement kaysa sa cups, para laging steady ang texture kasi eact talaga kapag tinimbang, kung per cups kasi minsan pagsukat mo nasiksik pala kaya iba iba ang texture nagtataka mga customer bakit noong una maganda, bakit noong ikalawang bili na, dry na or iba na lasa.
Mga sangkap:
180 gramo harina
160 gramo asucar puti
10 gramo baking powder
2 tasa fresh milk o evaporada
1 kutsara tinunaw na butter o mantika
1 itlog
Procedure:
1. Pagsama-samahin ang harina, asucar at baking powder, salain ito, pagkatapos masala ay ilagay ang itlog at gatas, paghaluing mabuti.
2. Ilagay ang butter o mantika at haluing maigi, ilagay sa mga hulmahan ng puto, wag masyadong punuin dahil habang niluluto ang puto, umaalsa ito.
3.I-steam ito ng 10 minuto, kapag malapit ng maluto saka ipatong ang cheese kapag luto na ay hanguin at palamigin bago alisin sa hulmahan para di masira.
Comments
Post a Comment