Pangnegosyo Leche Flan

 



Para sa akin special din ang leche flan sa mga handaan kaya  isang option rin ito na magandang ibenta at madaling gawin at hindi malaki ang capital na kailangan, basta mayroon kang steamer at mga lyanera solve na! Maganda rin kung may iba't ibang forma ka ng mga lyanera, ang nasa pictureang ginamit ko jan ay lutuan ng chiffon cake, then dinekorasyunan ko ng iba't ibang prutas, ang ganda na pwede ng pang party 😀


Ingredients:

4 egg yolk

2 whole egg

1 can condensed milk (395 grams )

1 cup evaporated or fresh milk

asukal para ilagay sa lyanera (caramelized)


Procedure:

1. Lagyan ng asukal ang lyanera  then icaramelize ito, dapat katamtaman lang ang apoy sa stove para hindi masunog, kapag nakacamelized na , set it aside.

2. Sa isang malaking mixing bowl pagsamasamahin ang mga itlog batihin ng dahan dahan para hindi mabula o maraming bubbles.

3. Kapag nabati na ang itlog idagdag ang condense at evaporated  milk, haluing maigi, kapag nahalo ng maigi, salain ito bago ilagay sa lyanera para siguradong smooth ang leche flan. Pagkatapos ilagay sa lyanera takpan ito ng foil para di malagyan ng tubig habang niluluto.

4. Magpakulo ng tubig sa steamer, kapag kumulo na saka ilagay ang mgalyanera na may leche flan mixture at takpan maigi hanggang sa maluto. Dapat ang apoy katamtaman lang ang init di malakas na malakas  para maganda ang pagkakaluto ng leche flan.

kung gagamit ng oval na lutuan isteam ito ng 20-25 minutes  


Kung gagamit naman ng pang chiffon cake na lutuan, isteam ito ng 45 minutes or hanggang sa maluto


Para masiguradong luto na bago mo i-unmold, insert a toothpick sa leche flan kapag paghugot mo ng toothpick ay walang dumikit ibig sabihin luto na.

Comments

Popular posts from this blog

Pangnegosyo Skinless Longganisa Recipe

Pangnegosyo Pork Barbecue

Pangnegosyo Polvoron