Pangnegosyo Sopas

 


Ang sopas ay isa rin sa magandang ibenta lalo na kung almusal ang target nyong oras, gaya ng lugaw, malaki din ang tubo dito.


Ingredients:

1 kilo Elbow Macaroni

3 cloves garlic

1 onion (minced)

1/4 kilo chicken breast

7 litres Water or more

3 pieces big carrots ( diced)

1 kilo cabbage ( sliced)

1 can (300 grams) all purpose cream (Nestle, Magnolia, Alaska, etc)

spring onion

salt and pepper to taste or chicken cube


Procedure:

1. Igisa ang bawang at sibuyas saka ilagay ang manok, asin at paminta (kung may mga flavor enhancer pa kayong gustong ilagay ay ilagay na rin ), igisa  ng ilang minuto.

2. Lagyan ng tubig at pakuluin, kapag kumulo na ay ilagay ang elbow macaroni at hayaang kumulo hanggang sa maging half cooked ito.

3. Kapag half cooked na ang macaroni ay ilagay ang carrots, pagkatapos kumulo ng isang minuto ay Ilagay ang all purpose cream haluing maigi  at ifinal nyo na ang lasa. 

4. Ilagay ang repolyo at dahon ng sibuyas haluing maigi at patayin ang apoy. Ready na itong ibenta o kainin.


Kung ibebenta maaring gumamit ng mga disposable cups na 300ml for Small at 500ml for Big.

Comments

Popular posts from this blog

Pangnegosyo Skinless Longganisa Recipe

Pangnegosyo Pork Barbecue

Pangnegosyo Polvoron