Bite Size Crispy Chicken

 



Kung sa mga short orders madali itong gawin at masarap pa , parang chicken nuggets. Madaling lutuin kaya di matatagalan ang customer para maghintay na maluto.


Mga sangkap:

1 kilo chicken breast
1 Itlog
¼ Tasa tubig
1 Tasa harina
2 Tasa Panko or bread crumbs
Asin at paminta syon sa iyong panlasa
Mantika

Paraan ng pagluluto:

1. Hiwain ng bite size ang manok.
2, timplahan ng asin at paminta ang hiniwang manok ayon sa iyong panlasa or maari ka ring gumamit ng mga flavor enhancer na gusto mo ( chicken powder, msg, etc)
3. Paghaluin ang itlog at tubig at batihing maigi lagyan ng kunting asin.
4. Pagulungin sa harina ang hiniwang manok saka isawsaw sa pinaghalong itlog at tubig pagkatapos ay pagulungin sa panko or bread crumbs saka prituhin hanggang sa maluto,
5. Ihain kasama ng sawsawan.

ang isang kilong chicken breast ay maaring makagawa ng :

4 servings na tig 240g or 5 servings na tig 200g,

Comments

Popular Posts