Pangnegosyo Lumpiang Gulay
Ang lumpiang gulay ay isa rin sa mga pagkain na madaling ibenta, kya kung may balak kayo magtinda or maglako sa mga kapitbahay nyo subukan nyo ito.
Mga Sangkap:
2 kilo toge
1 repolyo ( hiniwa ng pahaba)
1/4 kilo giniling na karne (kung anong karne ang gusto mong gamitin)
1/4 kilo carrots ( hiniwa pahaba)
1 sibuyas ( hiniwa)
3 butil ng bawang (dinikdik)
asin at paminta na panimpla .
60-80 piraso pabalat ng lumpia
Paraan ng Pagluluto:
1. Igisa ang bawang at sibuyas saka ilagay ang giniling, haluin at gisahing maigi hanggang sa maluto.
2. Ilagay ang carrots at gisahin ng 3 minuto saka ilagay ang repolyo, lakasan ang apoy para hindi magtubig at haluin ng haluin hanggang sa malambot na ito saka ilagay ang toge, timplahan ayon sa iyong panlasa, timplahan mo ng magic sarap or ginisa mix para lalong sumarap at magustuhan ng mga bibili. Patayin ang apoy kapag luto na at palamigin ito.
3. Ilagay sa colander o salaan para maalis ang sabaw at maiwasang masira ang wrapper kapag binalot na. Dapat walang katas.
4. Kapag malamig na ay balutin ito, dapat mahigpit ang pagkakabalot para matagal mawala ang crispness or lutong nito.Prituhin ng palubog sa mantika kapag luto na ilagay sa lalagyan na may sapin na tissue para maalis ang excess oil.
5. Ihaing kaulam ng kanin o pwede ring pangmeryenda.
ano po yung mga sangkap ng sawsawan?
ReplyDeleteSuka, sibuyas, bawang , paminta, sili, asukal
DeletePwd rin po bang lagyan ng camote or chayote po?
ReplyDeleteopo pwedeng pwede po, kahit anong gulay po pwede ilagay basta bagay. Masaap po kapag may kamote manamis namis.
DeleteMasarap po kapag may kamote manamis namis.
ReplyDelete