Posts

Pangnegosyo Sopas

Image
  Ang sopas ay isa rin sa magandang ibenta lalo na kung almusal ang target nyong oras, gaya ng lugaw, malaki din ang tubo dito. Ingredients: 1 kilo Elbow Macaroni 3 cloves garlic 1 onion (minced) 1/4 kilo chicken breast 7 litres Water or more 3 pieces big carrots ( diced) 1 kilo cabbage ( sliced) 1 can (300 grams) all purpose cream (Nestle, Magnolia, Alaska, etc) spring onion salt and pepper to taste or chicken cube Procedure: 1. Igisa ang bawang at sibuyas saka ilagay ang manok, asin at paminta (kung may mga flavor enhancer pa kayong gustong ilagay ay ilagay na rin ), igisa  ng ilang minuto. 2. Lagyan ng tubig at pakuluin, kapag kumulo na ay ilagay ang elbow macaroni at hayaang kumulo hanggang sa maging half cooked ito. 3. Kapag half cooked na ang macaroni ay ilagay ang carrots, pagkatapos kumulo ng isang minuto ay Ilagay ang all purpose cream haluing maigi  at ifinal nyo na ang lasa.  4. Ilagay ang repolyo at dahon ng sibuyas haluing maigi at patayin ang apoy. Ready na itong ibenta o

Pangnegosyo Leche Flan

Image
  Para sa akin special din ang leche flan sa mga handaan kaya  isang option rin ito na magandang ibenta at madaling gawin at hindi malaki ang capital na kailangan, basta mayroon kang steamer at mga lyanera solve na! Maganda rin kung may iba't ibang forma ka ng mga lyanera, ang nasa pictureang ginamit ko jan ay lutuan ng chiffon cake, then dinekorasyunan ko ng iba't ibang prutas, ang ganda na pwede ng pang party 😀 Ingredients: 4 egg yolk 2 whole egg 1 can condensed milk (395 grams ) 1 cup evaporated or fresh milk asukal para ilagay sa lyanera (caramelized) Procedure: 1. Lagyan ng asukal ang lyanera  then icaramelize ito, dapat katamtaman lang ang apoy sa stove para hindi masunog, kapag nakacamelized na , set it aside. 2. Sa isang malaking mixing bowl pagsamasamahin ang mga itlog batihin ng dahan dahan para hindi mabula o maraming bubbles. 3. Kapag nabati na ang itlog idagdag ang condense at evaporated  milk, haluing maigi, kapag nahalo ng maigi, salain ito bago ilagay sa lyaner

Pangnegosyo Suman Kamoteng Kahoy

Image
  Isa rin ito sa mairerecomenda kong madaling ibenta , kahit ilako lang sa mga kapitbahay siguradong mauubos. Ingredients: 2 kg kamoteng kahoy na kinayod 3 cups brown sugar (iadjust ayon sa inyong panlasa) 1 cup purong gata dahon ng saging na pambalot Paraan ng pagluluto: 1. Pigaan ang kamoteng kahoy, pagkatapos mapigaan ihalo ang asukal at gata, haluing maigi. 2. Maglagay ng 2 kutsara sa dahon ng saging, iroll ito hanggang sa mapormang pabilog at pahaba tulad ng nasa larawan sa baba. Saka baluting maigi. 3. Kapag nabalot ng maigi lahat ay pagpares paresin at talian. 4. Lagyan ng tubig ang steamer, pakuluin at isteam ang suman ng 45 minutes o hanggang sa maluto ito.  Kapag luto na, pwede ng kainin o ibenta.

Pangnegosyo Puto Recipe

Image
Sa pagawa ng mga panindang puto mas maigi na by grams ang measurement kaysa sa cups, para laging steady ang texture kasi eact talaga kapag tinimbang, kung per cups kasi minsan pagsukat mo nasiksik pala kaya iba iba ang texture nagtataka mga customer bakit noong una maganda, bakit noong ikalawang bili na, dry na or iba na lasa. Mga sangkap: 180 gramo harina 160 gramo asucar puti 10 gramo baking powder 2 tasa fresh milk o evaporada 1 kutsara tinunaw na butter o mantika 1 itlog  Procedure: 1. Pagsama-samahin ang harina, asucar at baking powder, salain ito, pagkatapos masala ay ilagay ang itlog at gatas, paghaluing mabuti. 2. Ilagay ang butter o mantika at haluing maigi, ilagay sa mga hulmahan ng puto, wag masyadong punuin dahil habang niluluto ang puto, umaalsa ito. 3.I-steam ito ng 10 minuto, kapag malapit ng maluto saka ipatong ang cheese kapag luto na ay hanguin at palamigin bago alisin sa hulmahan para di  masira.

Pangnegosyo Biko

Image
Isa rin ito sa mabenta ang biko, kaya tara na at magluto tyo Mga sangkap para sa Kanin : 1 kilo ng Malagkit na Bigas 4 tasang tubig Procedure: 1. Sa isang kaldero ilagay ang malagkit na bigas at tubig pagkatapos ay lutuin sa katamtamang apoy, kapag kumulo na ay hinaan ang apoy para di masunog  at hintayin itong maluto, pwedeng haluin paminsan minsan para di masunog ang ilalim. Habang naghihintay na maluto ang kanin, ihanda natin ang mga sumusunod para sa ating coconut-sugar syrup at ito ang mga sangkap. 3 tasang gata ng niyog 1/4 kilo ng asukal 1/2 tasa ng condensed milk Procedure: 1. Ilagay ang lahat sa isang kawali at pakuluan, kapag kumulo  na ay hinaan ang apoy at patuloy  itong lutuin at haluing madalas hanggang lumapot. 2. Kapag malapot na ay ilagay ang nilutong glutinous rice at haluing maigi para pantay ang itsura ng biko, haluin ng haluin hanggang sa marating ang consistency ng biko na ibig mo. 3. Palamigin  at hiwain sa sukat na ibig mo o para mas presentable ang pagtitinda,

Pangnegosyo Itlog Na Maalat

Image
 Itong negosyo na ito  wala kang talo kasi kung di man maibenta pwede mo naman iulam, pero imposibleng di maibenta dahil gustong gusto ito ng mga tao. Pwede mong ibenta per piece or per dozen. Madaling gawin at pwede mong gamitan ng itlog ng pato or itlog ng manok depende kung ano available sa lugar mo.  Ang itatagal ng  buhay ng itlog na maalat ay  dumedepende  kung paano mo ito ginawa. Umpisahan na natin!! Mga sangkap 30 piraso itlog 500g asin 1.5 litro ng tubig Procedure: 1. Pagsamahin ang tubig at asin sa isang kaldero, haluin maigi at pakuluin  hanggang sa malusaw ang asin. Patayin ang apoy at palamigin. 2. Kapag malamig na, ay ilagay sa isang plastic container o garapon na malaki saka ilagay ang itlog at itago ito sa cabinet sa loob ng 30 days.  3. After 30 days, pwede na itong alisin sa tubig at lutuin, pakuluan ng  25 minutes at pwede na itong hanguin, pero kung gusto mo na mas matagal ang buhay ng itlog na maalat at nagmamantika  hayaan mo lang ito sa mahinang apoy sa loob ng

Pangnegosyo Bibingka

Image
  Masarap at malinamnam ang bibingka recipe na ito kaya swak na swak na pangnegosyo subukan nyo na. May kaibigan ako na nagtitinda nito, dami nyang  sales. Kaya nakakaenganyo.  Ingredients: 1 1/2 cup giniling na bigas 400ml gata 8 kutsara asukal puti 1 kutsarita yeast 1 kutsarita baking powder 1 kutsara mantika 1 egg  Pinch of salt Procedure: 1. Paghaluin lahat ng ingredients sa isang mixing bowl, kapag smooth na ang mixture, Let it rest for 1 hour, room temperature: 2. After 1 hour, pwede ng ilagay sa mga molder at ipreheat ang oven sa 180 degrees at ibake ang bibingka sa loob ng 20 minutos or hanggang sa maluto depende sa laki ng hulmahan ang timing ng pagluluto. 3. Kapag luto na ay pwede ng ibenta, maghanda ng kinayod na niyog pang toppings.  Kung maglalagay kayo ng salted egg topping bake nyo muna sa loob ng 15 minutes then alisin sa oven saka ilagay ang salted egg toppings then continue baking until done. Pagtinda pwede budbuan ng kinayod na niyog.

Pangnegosyo Buko Salad

Image
Itong buko salad na ito sinubukan ko lang kung maibebenta sa mga kapitbahay, 2 days before ko ginawa nagmessage ako sa mga kakilala ko kung gusto nila bumili may buko salad akong gagawin,  Nasurprise ako sa pangyayari kasi yong ginawa ko kahit marami na kulang pa rin, kaya sabi ko sa iba na hindi nakaabot, gagawa ako ng 2nd batch, kaya subukan nyo rin ito, patok sa  mga tao lalo na kung medyo mainit ang panahon. Mga Sangkap: 5 cups coconut strips 500g red nata de coco 500g green nata de coco 1kg all purpose cream 1 1/2 can condensed milk 1 pinakamalaking lata ng fruit cocktail Procedure: 1. Pagsamasamahin ang lahat ng mga snngkap sa isang malaking mixing bowl, haluing maigi . 2. Palamigin saka  ilagay sa mga 500 ml na disposable cups at pwede ng itinda. 

Pangnegosyo Banana Cue at Camote Cue

Image
Ito ang paninda na wala kang lugi dahil patok na patok sa masa mauubos talaga, mula noon hanggang ngayon, bata man o matanda talagang gustong gusto ito, pwede mong pagsabayin ang camote cue at banana cue dahil pareho lang naman sila ng proseso ng pagluluto.  Kailangan mo lang na gamit dito ay kawali na mapaglulutuan, mantika, asukal, barbecue sticks at ready ka na na makapag umpisa, madali lang mabili sa palengke ang hinog na saging at camote, umpisahan na natin! Mga sangkap: hinog na saging- balatan camote- balatan at hiwain mantika pulang asukal barbecue sticks Procedure: 1. Magpainit ng mantika sa kawali, kapag mainit na ilagay ang saging o camote depende kung ano ang una mong lutuin, pagnalagay na ay lagyan na ng asukal, para maganda ang pagkakacaramelize ng asukal , kapag hinango mo na ang camote o saging ang ganda ng resulta. Ganyan lang kadali lutuin ang camote at banana cue. 2. Kapag luto na , hanguin ito  at  ilagay ito sa barbecue sticks at pwede na itinda.

Pangnegosyo Palitaw

Image
Noong bata pa ako naranasan ko rin magtinda ng palitaw, kasi may pinag iipunan ako noon na gustong mabili  kaya isa ito sa itininda ko dahil napakadaling gawin at di complicated ang mga sangkap, kayo rin subukan nyo itong itinda kahit ilako nyo lang sa mga kapitbahay siguradong sold out ito. Ingredients: 3 cups giniling na malagkit 1 cup tubig 2 cups kinudkod na niyog 1/2 cup asukal na puti 2 linga na tostado tubig para sa pagluluto Procedure: 1. Isalang na ang caserola na may tubig kung saan lulutuin ang palitaw para habang pinoporma ang mga palitaw ay unti unti ng maging ready ang lutuan. 2. Paghaluin ang malagkit at tubig hanggang sa mabuo ang dough, saka kumuha ng kapiraso at iporma itong bilog , sa pamamagitan ng iyong mga palad pitpitin ang hugis bilog na malagkit para mapormang palitaw. ganito dapat ang texture ng dough hindi basa 3. Kapag kumulo na ang tubig, saka ilagay ang mga palitaw at kapag lumutang na , ibig sabihin ay luto na ito, hanguin at ilagay sa colander para makat