Pangnegosyo Spanish Bread
Ibabahagi ko ang recipe kung paano gumawa ng 20-30 piraso na Spanish Bread ang mga sangkap na kailangan ay ang mga sumusunod:
1 cup warm milk
1 kutsarita dry yeast
1 kutsara asukal
Paghaluin ang warm milk, yeast at asukal take note po warm milk di HOT, kasi pagmainit mamamatay ang yeast di po tutubo kaya ang gagamitin natin maligamgam lang. Haluing maigi ang 3 ingredients sa taas para sa ating pampatubo mamaya sa dough, pagnahalo ng maigi ilagay sa tabi at hayaan ng mga 5 minuto or hanggang tumubo ito malalaman mo na tumubo na kasi nagiging foamy or mabula na ito.
Para sa dough ito naman ang kailangan:
3 1/2 cup bread flour (kung wala pwede all purpose flour) salain
3 kutsara asukal puti
1 kutsarita asin
50g softened butter or margarine
1 buong itlog
Ilagay sa isang malaking mixing bowl o palanggana ang harina, asukal at asin then haluing maigi, saka gumawa ng parang balon sa gitna then ilagay ang itlog at yong yeast mixture saka haluing maigi then ilagay ang butter , ituloy ang paghahalo hanggang sa mabuo ang dough.
Kung basa ang dough pwedeng dagdagan ng kunting harina hanggang sa maging maganda ang consistency ng dough at masahin ito ng 10 minutos o hanggang sa maging smooth at elastic ito, magpahid ng mantika sa kamay para di dumikit habang minamasa.
Pagkatapos masahin ay ilagay sa mixing bowl at takpan ng towel hayaang tumubo ang dough sa loob ng 1 horas or hanggang sa maging doble ang laki ng dough.
Habang hinihintay ang pag alsa ng dough ay ihanda naman natin ang palaman at ito ang mga kailangan:
1/2 cup margarine or butter
1/2 cup brown sugar
1/4 cup harina
1/2 cup condensed milk
1/4 cup fresh milk
3/4 cup bread crumbs
1 teaspoon vanilla
Imix lang lahat ng para sa palaman, kapag after maihalo lahat ay masyadong dry ang palaman, lagyan lang ng kunting fresh milk or evaporated milk. Ready na po yan gamitin para sa palaman sa spanish bread.
Meanwhile balik tayo sa ating dough.....
Kapag doble na ang laki, pwede na itong masahin uli at iportion ng tig 30g, tabunan ng plastic para di matuyo at isa isahing masahin bawat 30g at sa pamamagitan ng rolling pin ay panipisin ito na pahugis triangle para makagawa ng Spanish bread.
Lagyan ng palaman saka iroll na maghugis spanish bread, then iroll sa bread crumbs, ilagay sa baking tray at hayaang umalsa uli bago ito ibake, halos 1 horas kong pinaalsa ito makikita nyo ang deperensya ng size after makaalsa.
iroll sa breadcrumbs |
size ng di pa nakaalsa |
size ng nakaalsa na |
Painitin ang oven 170C for 10 minutes.
Kapag umalsa na ang tinapay ibake ito ng 15 minutes or hanggang sa maluto ito.
Hanguin at palamigin, at pwede ng kainin o ibenta. Enjoy!!!
Comments
Post a Comment