Posts

Pangnegosyo Fried Chicken Recipe

Image
  Isa sa magandang pagkakitaan din sa panahon ngayon kahit nasa bahay ka lang ay ang pagpipirito ng manok o fried chicken, kasi nasaksihan ko ang aking  kapatid na tuwing weekend naglalagay lang  sila sa labas ng bahay nila ng lugar kung saan sila pwede magprito at ang daming bumibili tuwing sabado at linggo, kaya maganda rin ito at di pa mahirap gawin. Ingredients: 1 kg chicken cut into serving pieces 2 cups harina 1 egg asin at paminta ayon sa iyong panlasa chicken powder or magic sarap/ginisa mix 1 litro mantika Procedure: 1.  Sa isang malaking bowl timplahan ang manok ng asin, paminta at chicken powder or anomang flavor enhancer ang available sa inyo. 2. Haluing maigi para maabsorb ang lasa. 3. Ilagay ang itlog at haluing maigi para kapag niligid sa harina ang manok , maganda ang kapit. 4. Initin ang mantika at prituhin ang manok sa katamtamang apoy hanggang sa malapit nyo ng hanguin, kapag malapit ng hanguin lakasan ang apoy para maging crispy ang fried chicken. 5. Serve and enjoy

Pangnegosyo Bihon Guisado

Image
  Hello mga kababayan, isa rin sa madaling ibenta ang bihon kasi marami ang isang serving sa abot kayang halaga, kung gusto nyong magtinda nito pwedeng puro bihon lang or katulad nyang nasa picture may kasamang fried chicken breast fillet at puto pao, nasa sa inyo kung paano nyo diskartehan na maenganyo ang mga tao para bumili kapag inalok nyo. Ito naman ginawa ko para ipamigay sa mga kapitbahay noong birthday ko.  Ingredients: 3kg bihon 10 litres water 2 kg pork   2 whole cabbage (sliced) 1/2 kg bell pepper (sliced) 2 kg carrots (sliced)   2 cups soy sauce  6 cloves  garlic  2 onion paminta at asin ayon sa inyong panlasa ( pwede kayong gumamit ng vetsin, cubes na panimpla, ginisa mix or magic sarap, ) Procedure: 1. Igisa ang bawang at sibuyas saka ilagay ang sahog, sangkutsahing maigi. 2. Ilagay ang bell pepper gisahin ng 1 minuto saka ilagay ang toyo, paminta at asin. 3. ILagay ang tubig at pakuluin, kapag kumula na, timplahang maigi para sumarap.  4. Ilagay ang carro

Pangnegosyo Lumpiang Gulay

Image
  Ang lumpiang gulay ay isa rin sa mga pagkain na madaling ibenta, kya kung may balak kayo magtinda or maglako sa mga kapitbahay nyo subukan nyo ito. Mga Sangkap: 2 kilo toge 1 repolyo ( hiniwa ng pahaba) 1/4 kilo giniling na karne (kung anong karne ang gusto mong gamitin) 1/4 kilo carrots ( hiniwa pahaba) 1 sibuyas ( hiniwa) 3 butil ng bawang (dinikdik) asin at paminta na panimpla . 60-80 piraso pabalat ng lumpia Paraan ng Pagluluto: 1. Igisa ang bawang at sibuyas saka ilagay ang giniling, haluin at gisahing maigi hanggang sa maluto. 2. Ilagay ang carrots at gisahin ng 3 minuto saka ilagay ang repolyo, lakasan ang apoy para hindi magtubig at haluin ng haluin hanggang sa malambot na ito saka ilagay ang toge, timplahan ayon sa iyong panlasa, timplahan mo ng magic sarap or ginisa mix para lalong sumarap at magustuhan ng mga bibili. Patayin ang apoy kapag luto na at palamigin ito. 3. Ilagay sa colander o salaan para maalis ang sabaw at maiwasang masira ang wrapper kapag binalot na. Dapat

Pangnegosyo Chicken Macaroni Salad

Image
  Isa sa mga madaling ibenta ito kaya kung gusto nyo na may pagkakakitaan sa panahon ngayon subukan nyo iyo, madali ding gawin. Mga Sangkap: 1 kg macaroni ( cook according to its packaging procedure) 1 kg chicken breast (boiled with salt then shredded) 1 kg all purpose cream plus another 1 cup 1 1/2 cups mayonaise 2 cups pineapple tidbits 1 minced onion 1 minced carrots 1 cup raisins  1 1/2 can of condensed milk (the 390gcan) salt according to your taste ½ cup pickle relish (kung wala ito ok lang) Procedure: Pagsamasamahin lahat sa isang malaking mixing bowl at haluing maigi. Kapag nahalo ng maigi, finalize the taste kung sakto sa tamis, cream etc. Kapag ok na pwede nyo ng balutin into portions at itinda. Watch the video Sa pricing kayo na bahala magkano nyo ibenta ang 1 serving, kasi kung nasaan ka man maaaring iba ang presyo ng mga ingredients sa lugar mo kaysa sa lugar ko. Itotal mo lahat ng expenses then kwentahin mo ilang servings ang nagawa mo doon mo ibabatay

Pangnegosyo Spaghetti Sauce

Image
  Kung nag iisip kayo na magtinda ng spaghetti, subukan nyo ang sauce na ito, lahat ng nakatikim nito isa lang ang sinasabi ''MASARAP'' Mga sangkap: 6 butil ng bawang (dinikdik) 1 buo sibuyas (hiniwa) 1/2 kilo giniling na karne ( beef, chicken or pork nasa inyo kung anong karne) 1 kilo tomato sauce 1 kilo tomato paste 1/2  kilo ketchup 1/2 kilo hotdog (hiniwa) 1 lata gatas condensada (380 grams) 1 lata gatas evaporada (370ml) 1 lata All purpose cream (Nestle, Magnolia, etc) 1/2 tasa mantika asin ayon sa iyong panlasa paminta ayon sa iyong panlasa Paraan ng Pagluluto: 1. Initin ang mantika at igisa ang bawang at sibuyas pagkatapos ay ilagay ang giniling, lakasan ang apoy at sangkutsahing maigi ang karne, timplahan ng asin at paminta haluin at hayaang kumulo ng 5 minuto. 2. Ituloy ang pagluluto sa malakas na apoy, ilagay ang tomato sauce, tomato paste, at ketchup, haluing madalas para maiwasang masunog, kapag naigisa ng maigi ang sauce ay ilagay ang c

Pangnegosyo Spanish Bread

Image
  Ibabahagi ko ang recipe kung paano gumawa ng 20-30 piraso na Spanish Bread ang mga sangkap na kailangan ay ang mga sumusunod: 1 cup warm milk 1 kutsarita dry yeast 1 kutsara asukal  Paghaluin ang warm milk, yeast at asukal take note po warm milk di HOT, kasi pagmainit mamamatay ang yeast di po tutubo kaya ang gagamitin natin maligamgam lang. Haluing maigi ang 3 ingredients sa taas para sa ating pampatubo mamaya sa dough, pagnahalo ng maigi ilagay sa tabi at hayaan ng mga 5 minuto or hanggang tumubo ito malalaman mo na tumubo na kasi nagiging foamy or mabula na ito. Para sa dough ito naman ang kailangan: 3 1/2 cup bread flour (kung wala pwede all purpose flour) salain 3 kutsara asukal puti 1 kutsarita asin 50g softened butter or margarine 1 buong itlog Ilagay sa isang malaking mixing bowl o palanggana ang harina, asukal at asin then haluing maigi, saka gumawa ng parang  balon sa gitna then ilagay ang itlog at yong yeast mixture saka haluing maigi then ilagay ang butter , ituloy ang pa

Pangnegosyo Palabok From Scratch

Image
  Sa recipe na ito ay makakagawa ka ng 30-40 styro na palabok na pwede mong itinda at kumita ng malaki. Kung gusto nyo naman na kunti lang ang gagawin nyo iadjust nyo na lang ang measurement ng mga ingredients. Ako ang ginawa ko bago ko lutuin nagmessage ako sa mga friends ko na magluluto ako ng palabok baka gusto nilang omorder, kaya nakapagbenta ako ng 30 orders, so nakapagvlog na ako lumita pa ako. Thanks be to God. Ingredients: 1 1/2 kg Bihon- pakuluan mo then salain ,hugasan ng tubig sa gripo pagkasala para hindi malata then set aside PALABOK SAUCE INGREDIENTS 1 Garlic head 1 Onion 2 kg giniling 30 cups water 2 cups atsuete  boiled in 5 cups water Pepper and salt to taste 250g  Corn starch  dissolve in water PALABOK SAUCE PROCEDURE 1. Igisa ang bawang at sibuyas saka ilagay ang giniling , pwedeng pork, beef or chicken depende kung ano ang gusto nyong gamitin. Gisahing maigi hanggang sa masangkutsa ito. 2. Samantala ang atsuete na 2 cups ay ilagay sa kaldero at lagyan ng 5 cups na