Posts

Showing posts from December, 2021

Pangnegosyo Itlog Na Maalat

Image
 Itong negosyo na ito  wala kang talo kasi kung di man maibenta pwede mo naman iulam, pero imposibleng di maibenta dahil gustong gusto ito ng mga tao. Pwede mong ibenta per piece or per dozen. Madaling gawin at pwede mong gamitan ng itlog ng pato or itlog ng manok depende kung ano available sa lugar mo.  Ang itatagal ng  buhay ng itlog na maalat ay  dumedepende  kung paano mo ito ginawa. Umpisahan na natin!! Mga sangkap 30 piraso itlog 500g asin 1.5 litro ng tubig Procedure: 1. Pagsamahin ang tubig at asin sa isang kaldero, haluin maigi at pakuluin  hanggang sa malusaw ang asin. Patayin ang apoy at palamigin. 2. Kapag malamig na, ay ilagay sa isang plastic container o garapon na malaki saka ilagay ang itlog at itago ito sa cabinet sa loob ng 30 days.  3. After 30 days, pwede na itong alisin sa tubig at lutuin, pakuluan ng  25 minutes at pwede na itong hanguin, pero kung gusto mo na mas matagal ang buhay ng itlog na maalat at nagmamantika  hayaan mo lang ito sa mahinang apoy sa loob ng

Pangnegosyo Bibingka

Image
  Masarap at malinamnam ang bibingka recipe na ito kaya swak na swak na pangnegosyo subukan nyo na. May kaibigan ako na nagtitinda nito, dami nyang  sales. Kaya nakakaenganyo.  Ingredients: 1 1/2 cup giniling na bigas 400ml gata 8 kutsara asukal puti 1 kutsarita yeast 1 kutsarita baking powder 1 kutsara mantika 1 egg  Pinch of salt Procedure: 1. Paghaluin lahat ng ingredients sa isang mixing bowl, kapag smooth na ang mixture, Let it rest for 1 hour, room temperature: 2. After 1 hour, pwede ng ilagay sa mga molder at ipreheat ang oven sa 180 degrees at ibake ang bibingka sa loob ng 20 minutos or hanggang sa maluto depende sa laki ng hulmahan ang timing ng pagluluto. 3. Kapag luto na ay pwede ng ibenta, maghanda ng kinayod na niyog pang toppings.  Kung maglalagay kayo ng salted egg topping bake nyo muna sa loob ng 15 minutes then alisin sa oven saka ilagay ang salted egg toppings then continue baking until done. Pagtinda pwede budbuan ng kinayod na niyog.

Pangnegosyo Buko Salad

Image
Itong buko salad na ito sinubukan ko lang kung maibebenta sa mga kapitbahay, 2 days before ko ginawa nagmessage ako sa mga kakilala ko kung gusto nila bumili may buko salad akong gagawin,  Nasurprise ako sa pangyayari kasi yong ginawa ko kahit marami na kulang pa rin, kaya sabi ko sa iba na hindi nakaabot, gagawa ako ng 2nd batch, kaya subukan nyo rin ito, patok sa  mga tao lalo na kung medyo mainit ang panahon. Mga Sangkap: 5 cups coconut strips 500g red nata de coco 500g green nata de coco 1kg all purpose cream 1 1/2 can condensed milk 1 pinakamalaking lata ng fruit cocktail Procedure: 1. Pagsamasamahin ang lahat ng mga snngkap sa isang malaking mixing bowl, haluing maigi . 2. Palamigin saka  ilagay sa mga 500 ml na disposable cups at pwede ng itinda. 

Pangnegosyo Banana Cue at Camote Cue

Image
Ito ang paninda na wala kang lugi dahil patok na patok sa masa mauubos talaga, mula noon hanggang ngayon, bata man o matanda talagang gustong gusto ito, pwede mong pagsabayin ang camote cue at banana cue dahil pareho lang naman sila ng proseso ng pagluluto.  Kailangan mo lang na gamit dito ay kawali na mapaglulutuan, mantika, asukal, barbecue sticks at ready ka na na makapag umpisa, madali lang mabili sa palengke ang hinog na saging at camote, umpisahan na natin! Mga sangkap: hinog na saging- balatan camote- balatan at hiwain mantika pulang asukal barbecue sticks Procedure: 1. Magpainit ng mantika sa kawali, kapag mainit na ilagay ang saging o camote depende kung ano ang una mong lutuin, pagnalagay na ay lagyan na ng asukal, para maganda ang pagkakacaramelize ng asukal , kapag hinango mo na ang camote o saging ang ganda ng resulta. Ganyan lang kadali lutuin ang camote at banana cue. 2. Kapag luto na , hanguin ito  at  ilagay ito sa barbecue sticks at pwede na itinda.