Posts

Pangnegosyo Daing Na Bangus

Image
Last week ibinahagi ko dito ang ginagawa ng kapatid kong si Noemi para kumita nagtitinda sya ng pagkain na pangmaramihan ang 1 serving, tapos kapag walang nagpapaluto sa kanya gumagawa rin sya ng daing na bangus at mabenta rin sa mga kapitbahay. Yang ganyan kalaki binibenta nya ng 50 pesos ang isa pero kapag 2 ang kukunin binibigay nya ng 90 pesos lang kaya nakakabenta sya ng marami kasi dalawa dalawa ang binibili ng mga customer nya kasi may discount syang binibigay pag higit sa isa ang bibilhin. Noemi Kaya isa rin ang daing na bangus na maisuggest ko na pwede nyong pagkakitaan, kasi bibilhin talaga ng mga tao dahil madaling lutuin at masarap, pwede rin pambaon, so kung nagmamadali sila sa umaga na magluto in na in ang daing na bangus dahil madali lang talagang lutuin. Kung gagawa ka man ng daing na bangus di rin mahirap hanapin ang mga sangkap. Hindi ko lalagyan ng specific measurement kasi depende naman kung gaano karami ang gagawin ninyo, pero ang mga sumusunod na sangkap ang  kail

Pangnegosyo Skinless Longganisa Recipe

Image
Ganito lang kadali gumawa ng Skinless Longganisa. Madali itong ibenta kasi madali lutuin at paboritong baon sa trabaho o eskwela, kaya sure talaga na may buyer ka kahit mga kapitbahay mo lang. Ingredients: 1 kg giniling na baboy 1 1/2 cup asukal brown 1 1/2 kutsara asin 1 kutsara suka= para matagal masira ang longganisa 1 1/2 kutsarita paminta powder 2 buong bawang (minced) 2 1/2 kutsara woster sauce or Lea and Perrins Procedure: 1. Sa isang malaking mixing bowl, pagsamasamahin lahat ng ingredients at haluing maigi, kapag nahalo ng maigi ok na yon huwag mong haluin pa ng haluin kasi maovermix sya magiging dry ang texture ng longganisa. 2. After maimix, ilagay sa refrigerator ng at least 2 hours para madali mo syang mairoll di maghiwahiwalay, pwede rin overnight sa refrigerator. 3. Kumuha ng 1 kutsara na mixture or 50g tapos iporma ito na longganisa sa pamamagitan ng pagroroll nito sa iyong mga kamay na may mantika para hindi didikit. Ganyan lang kadali, wag mo ng ilagay sa ice can

Pangnegosyo SILOG Ideas

Image
  Isa rin po sa magandang itinda ang mga SILOG, dahil madali lang itong gawin, SILOG ibig sabihin SINANGAG (fried rice) at ITLOG (fried egg) tapos papartneran mo na lang kung ano ang gusto ng customer tulad ng longganisa, tocino, hotdog, tuyo, meatloaf at marami pang iba, Kung ano ang ulam na mapipili nila iyon ang magiging tawag sa SILOG  katulad ng mga nasa larawan sa baba. Tapa+Sinangag+Itlog= TAGPSILOG Kahit wala kang pwesto pwede ito as food pack, ialok mo sa mga teachers puntahan mo mga schooles malapit sa iyo , sa mga nagtatrabaho, sa mga nagtitinda sa palengke at sa mga kakilala mo, pwede mong kunin order nila one day before delivery, kung anong gusto nilang oras ipadeliver, breakfast ba o lunch?Common ito na pang almusal pero pwede ito kahit anong oras , lalo na sa mga nagtitipid sigurado bibili nito kasi sulit sa busog, lalo na pagsinamahan mo ng ilang pirasong hiwa ng camatis at pipino. Tocino+Sinangag+Itlog=TOCILOG Tuyo+SInangag+Itlog= TUYSILOG Pork Chop+Sinangag+Itlog= POR

Pangnegosyo Pork Barbecue

Image
  Alam kong common din sa Pilipinas ang pagtitinda ng barbecue kaya isa rin ito sa mairerecomenda ko na maaari nyong gawin sa bahay ninyo na di kailangan ng maraming puhunan, pinaka main mong gamit na kailangan ay ang barbecue stand o ihawan  the rest na mga needs ay uling, barbecue sticks at brush pampahid ng sauce. Ito naman ang mairerecomenda kong barbecue recipe. Mga sangkap: 2 kilo pork kasim o perna (hiwain) 1 tasa Sprite 1 tasa ketchup 1 tasa  pineapple juice ¼ kutsaritang paminta powder 1/2 tasa toyo 1/4 tasa calamansi juice o suka asin ayon sa iyong panlasa   Procedure: 1. Pagsamahin ang lahat ng mga sangkap at i-marinate nang 2 oras t implahing maigi ayon sa iyong panlasa iadjust ang measurement ng ingredients kung sa tingin ninyo ay kulang sa lasa , pagkatapos ng 2 oras pwede na itong tuhugin, at ready ng magsimula ng pagtitinda. 2. Maglagay ng katamtamang dami ng uling sa ihawan at pabagahin ito. 3. Habang niluluto ang barbecue  ay balibaliktarin ito

Gusto mong kumita? Pwede mong gawin ito

Image
2,300 pesos lahat  Shanghai, macaroni salad, spaghetti. fried chicken at pancit Noemi Ibabahagi ko lang ang ginagawa ng kapatid ko na si Noemi, kahit nasa barangay lang namin sya kumikita sya sa pamamagitan ng pagtitinda ng mga food na pangmaramihan, karamihan sa mga kapitbahay kapag may birthday nagpapaluto na lang sa kanya kasi affordable naman mga presyo nya pero may tubo pa rin. Maganda yong di masyadong mahal ang tinda mo kasi makakarami ka ng customers kaysa mahal ang presyo mo pero bihira namang may mag order, gaya ng mga Chinese sa negosyo ang kasabihan nila di baleng kaunti basta palagi. Yang mga larawan ng pagkain ganyan ang mga ginagawa nya halimbawa ang chicken cordon bleu nya 500 pesos ang ganyan karami, ang 1 bandehado ng puto nya ay 200 kaya very affordable talaga. Yong mga set nya mayroong 2,500, 2,000, 1,500 depende sa mga ulam na order ng mga customer nya, yong adobo nya 700 ang isang malaking bandehado yang nasa picture at 400 yong pancit. Sana makakuha kayo ng idea

Pangnegosyo Lugaw, Tokwa at Baboy

Image
Isa rin sa maisuggest ko na itinda kasi bukod sa madaling gawin very affordable pa ang mga sangkap at patok sa mga tao kahit anong oras, pwede mong umpisahan sa almusal hanggang sa meryenda sa hapon siguado sold out ito. Make sure na pagserve ng lugaw ay mainit. Para sa lugaw: Magisa ng luya, bawang at sibuyas saka ilagay ang 1 kilo na malagkit na bigas at haluing maigi, lagyan ng 10 litro na tubig at pakuluin ng pakuluin hanggang sa lumapot at timplahan ng asin at kung anomang flavor enhancer ang gagamitin nyong panimpla para sumarap. Huwag mo ng lagyan ng paminta kasi merong iba ayaw ng paminta, maglagay ka na lang ng paminta sa lagayan na ready anytime kung sino ang may gusto. Para sa baboy: Pakuluan ang mascara ng baboy (tainga at mukha), siguraduhing malambot then hiwain into strips, lagyan ng sibuyas, toyo at calamansi. Para sa tokwa: Prituhin ang tokwa at hiwain.  Kapag ready na lahat, pwede mo ng simulan ang pagtitinda, ilagay mo sa mga containers ang tokwa at baboy para anytim

Pangnegosyo Grilled Banana Or Ginanggang

Image
Ang grilled banana o mas kilala sa tawag na Ginanggang sa Mindanao kung saan ito nag originate ay isa rin sa mga pwedeng pagkakakitaan na kahit nasa bahay ka lang, ang kailangan mo lang para makapag umpisa ka nito ay ihawan, barbecue sticks, brush at uling  at mga sangkap na: Hinog na saging saba margarine asukal  Napakadali lang nitong gawin. 1. Iset up ang ihawan , lagyan ng uling at pabagahin. 2. Balatan ang mga saging at tuhugin sa barbecue stick. 3. Kapag bumaga na ang uling ay ilagay ang mga natuhog na saging at lutuin ito, balibaliktarin para maganda ang pagkakaluto. 4. Kapag ganyan na ang itsura ng saging (tulad ng larawan sa baba) ay luto na ito, papahiran mo na ng margarin at budburan ng asukal na puti, at ready na ibenta.  Ang sarap sarap nito, noong bata pa ako yan ang paborito kong snack kapag recess minsan naman yong banana cue :)  

Pangnegosyo Sisig Recipe

Image
  Nagawa ko ang sisig na ito dahil sinubukan ko magmessage sa mga kaibigan ko at mga kapitbahay kung gusto nilang omorder ng sisig, minessage ko sila 1 week ahead of time. May mga omorder kaya niluto ko ito. Mga Sangkap: 3 kilo mukha at tainga ng baboy (mascara) 1/2 cup katas ng calamansi (dagdagan o bawasan ayon sa panlasa) 1/2 cup toyo 1/2 kilo sibuyas tinadtad 1 ulo ng bawang tinadtad 1/4 kilo siling haba (tinadtad) asin at paminta ayon sa inyong panlasa iadjust nyo na lang ang measurements ng mga ingredients ayon sa inyong panlasa. Procedure: 1. Ilagay sa caldero ang mascara ng baboy at pakuluan ito hanggang sa lumambot. 2. Kapag malambot hanguin ito at ihawin ng bahagya saka tadtarin. Kung wala ng time para ihawin, ok lang din. Kapag natadtad na set aside. 3. Igisa ang bawang at sibuyas , saka ilagay ang sila at igisang maigi, tapos ilagay ang tinadtad na mascara ng baboy, sangkutsahing maigi. 4. Kapag nasangkutsa ng maigi ilagay ang toyo at haluing maigi hanggang kumapit ang kula

Pangnegosyo Shanghai Rolls

Image
Ang lumpiang Shanghai o Shanghai roll ay isa sa mga putahe na pwedeng pwede mong ibida kahit anomang okasyon, masarap na affordable pa. Kaya pwede mo itong gawing always available sa mga customers mo, para kung mayroong handaan sa kanila or kahit weekend salo salo lang ng pamilya nila pwede silang omorder sa iyo. Para sa 100 piraso na shanghai ito ang mga sangkap na kailangan mo. Maghanda ka na rin ng 120 pirasong lumpia wrapper para sakaling may mabutas may extra ka na wrapper Mga Sangkap: 1kilo giniling na baboy  1/2 kilo patatas (minced) 1/2 kilo carrots (minced) 2 onion (minced) 1 big red bell pepper  (minced) 1 cup dahon ng sibuyas  hiniwang maliliit salt and pepper to taste  magic sarap or ginisa mix ayon sa iyong panlasa Procedure: 1. Sa isang malaking mixing bowl paghaluhaluin ang lahat ng mga sangkap para matimplahang maigi. Haluing maigi para pantay ang lasa. 2. Kapag nahalo ng maigi kumuha ng lumpia wrapper at lagyan ng giniling mixture, balutin ito ng mahigpit na maghigpit

Pangnegosyo Halabos Na Hipon

Image
  Minsan sa palengke kapag dagsa ang supply mas mababa ang presyo kaysa sa normal na daily price so grab that opportunity na magamit mo ang ingredients na yon para kumita ka, tulad ng hipon na ito, kumo mura sya bumili ako para makapagtinda sa mga kakilala at tumubo kahit kunti. Kahit halabos lang naubos naman. Mga sangkap: 1 kg hipon (linisin at hugasang maigi) 1 kutsarita asin sibuyas dahon Procedure: 1. Painitin ang kawali, ilagay ang hipon at lagyan ng asin at haluing maigi, dapat malakas na malakas ang apoy at haluin ng haluin hanggang sa maluto more or less 10 minutes or hanggang sa maluto. Huwag iovercooked para di dumikit ang balat sa laman at dry. 2. Kapag luto na hanguin agad at ilagay ang dahon ng sibuyas. Pwede mong iportion into 4-5 serving at pwede mo ng itinda.