Pangnegosyo Palitaw
Noong bata pa ako naranasan ko rin magtinda ng palitaw, kasi may pinag iipunan ako noon na gustong mabili kaya isa ito sa itininda ko dahil napakadaling gawin at di complicated ang mga sangkap, kayo rin subukan nyo itong itinda kahit ilako nyo lang sa mga kapitbahay siguradong sold out ito. Ingredients: 3 cups giniling na malagkit 1 cup tubig 2 cups kinudkod na niyog 1/2 cup asukal na puti 2 linga na tostado tubig para sa pagluluto Procedure: 1. Isalang na ang caserola na may tubig kung saan lulutuin ang palitaw para habang pinoporma ang mga palitaw ay unti unti ng maging ready ang lutuan. 2. Paghaluin ang malagkit at tubig hanggang sa mabuo ang dough, saka kumuha ng kapiraso at iporma itong bilog , sa pamamagitan ng iyong mga palad pitpitin ang hugis bilog na malagkit para mapormang palitaw. ganito dapat ang texture ng dough hindi basa 3. Kapag kumulo na ang tubig, saka ilagay ang mga palitaw at kapag lumutang na , ibig sabihin ay luto na ito, hanguin at ilagay sa colander para makat