Posts

Pangnegosyo Lechon Kawali

Image
Mmmmmm amoy pa lang ulam na 😃 Masarap at malutong na piniritong baboy sa kawali. Ang technique sa pagtitinda nito , pre order para alam mo gaano lang karami ang lulutuin mo.Kung halimbawang target mo ideliver Sunday,  during weekdays imessage mo na ang mga kaibigan mo kung gusto nila omorder kasi magdeliver ka sa Linggo bago lunch time para bibili talaga sila kasi most of the family salu-salo kapag linggo.Pwede mong hatiin sa 4 hiwa ang 1 kilo then ang price mo sa pagtinda ibatay mo kung magkano expenses mo. Masarap ito kapag crispy ang labas, tapos juicy at malambot ang loob, gaya ng nasa larawan. Mga Sangkap: 2 kilo liempo ng baboy (pork belly) 3 butil ng bawang (dinikdik) Tubig 1 Sachet magic sarap asin at paminta na panimpla Mantika na pagpipirituhan   Paraan ng pagluluto: 1. Ilagay sa kaldero ang liempo, bawang, magic sarap, paminta at asin. 2. Lagyan ng tubig na lagpas ng kaunti sa karne, lagpas ng 1/2 pulgada (inch). 3. Pakuluan hanggang sa lumambot. Alisi

Pangnegosyo Gelatin Salad

Image
                             Mabenta ito sa mga kapitbahay dahil affordable at refreshing talaga lalo na kung mainit ang panahon. Ingredients: 1 pack buko pandan flavor gelatin 1 pack strawberry flavor gelatin 1 pack Grapes flavor gelatin 1 pack orange flavor gelatin 1 1/2 kg all purpose cream or 6 box of 250ml all purpose cream 2 can condensed milk (390g) Procedure: 1. Una lutuin muna lahat ng gelatin at patigasin . Kung ano ang nasa instruction ng gelatin kung paano lutuin sundan nyo na lang pero bawasan nyo ang tubig para firm ang gelatin Example kung ang instruction 1.5 litres ng tubig ang ilagay ang gawin nyo 1 litre lang ang ilagay nyo. Kung after nyo pinatigas ang gelatin hindi sya firm, tunawin nyo uli then ldagdagan nyo ng gelatin powder at patigasin uli 2. Kapag matigas na ang gelatin ay hiwain ito (dice) 3. Sa isang malaking mixing bowl paghalu-haluin ang hiniwang gelatin, all purpose cream at condensed milk , Kapag nahalo ng maigi, palamigin at pwede ng ibenta. Pwed

Pangnegosyo Pork Tocino

Image
Mula noong bata pa ako hanggang ngayon walang kupas ang pagiging sold out ng tocino, kaya tara na at umpisahan na natin ito. Mga sangkap: 2 kg pork belly sliced for tocino 2 cups brown sugar 1 1/2 cup pineapple juice 2 tablespoon curing salt ( pwedeng palitan ng normal na asin at food coloring na red 1/2 teaspoon) 1 kutsarita paminta powder 2 tablespoon Woster Sauce ( Lea and Perrins) 2 tablespoon katas ng calamansi or lemon Woster Sauce Procedure: 1. Sa isang malaking mixing bowl, pagsamasamahin ang lahat ng ingredients at haluing maigi. 2. Kapag nahalo ng maigi ready na ito ipack, pwede kang gumawa ng 500g at 1 kilo na pack para ibenta. Ganyan lang kadali gawin ang tocino!

Pangnegosyo Buko Pandan

Image
  Ito ay nasold out agad nagmessage lang ako sa group chat namin kung sino ang may gusto order na, di inabot ng 30 minuto, ubos na agad!  Mga sangkap: 18 piraso buko  maliliit na vareity, kung malalaki buko sa lugar nyo iadjust no na lang to 15piraso  1 kg all purpose cream  or 4 carton ng tig 250ml 1 1/2 lata condensed milk (yong 390g)  2 sachet buko pandan gulaman  1 kutsara Mccormick buco pandan flavoring Procedure: 1. Una lutuin natin ang buco pandan gulaman, ayon sa instruction na nasa package, pero ako binawasan ko ang measurement ng tubig para mas firm ang gulaman, nakasulat sa package 1.5 litre pero ang ginamit ko lang ay 1 litre. Pagkumulo na pwede na natin patayin at ilagay sa tray at patigasin no need irefrigerate kasi titigas naman ang gulaman kahit di irefrigerate. 2.  Ang buko ay kayurin natin ng raspador then ilagay sa malaking mixing bowl. 3. Kapag matigas na ang gulaman hiwain natin ito na kasing laki ng nata de coco at ihalo sa buko 4. Ilagay na rin ang iba pang mga s

Pangnegosyo Polvoron

Image
Isa  sa maganda ring pagkakitaan ay ang polvoron , pwede mo ito ibenta per piece or per balot , madaling gawin at madaling mabili ang mga ingredients at mga bagay na kailangan para makapagsimula ng pagtitinda nito. Kailangan meron kang polvoron molder, water cellophane para sa pagbabalot ng polvoron at mga platic na paglalagyan kung ititinda mo per pack.Ito ang recipe na ibibigay ko ay talagang masarap at subok ko na, kalasa ito ng sikat na brand sa Pilipinas, kaya ano pang hinihintay nyo? Umpisahan nyo na!!   Mga sangkap: 40-50 pieces of polvoron 5 tasang harina 3 tasang powdered milk (anumang brand) 2 tasang tinunaw na mantikilya or margarin 1 1/4 tasang asukal o ayon sa iyong panlasa iba't ibang kulay ng water cellophane at molder ng polvoron Procedure: 1. I-toast ang harina sa isang kawali sa katamtamang init, haluin ng haluin para hindi masunog, gawin ito sa loob ng 12 minuto o hanggang sa maluto ang harina, pagkatapos ay ilagay ang powdered milk at asukal ituloy ang paghahalo

Pangnegosyo Arroz Caldo

Image
Isa rin sa mairecomenda kong pwedeng itinda ay ang arroz caldo, kasi essential talaga ito heheheehe,  Isang paraan para maibenta mo ito ay sa umaga yong pang almusal na oras pwede mong ilagay sa mga disposable na lalagyan, pang take out ang dating nya. Kung malapit ka sa palengke, paradahan at eskwelahan pwedeng pwede itong ibenta sa mga  mga maagang pumapasok sa trabaho gaya ng mga nagtitinda sa palengke, marami akong nakikitang naglalako ng arroz caldo sa palengke kapag namamalengke ako ng maaga. Kung may maliit ka naman na pwesto swak na swak rin ito. Mga sangkap: 1/2  kg malagkit bigas 1/2 kg normal na bigas 10 litro tubig 1 sibuyas tinadtad 4 bawang tinadtad  1 kg manok hiniwa 1 cup luya hiniwang manipis na pahaba 1/2 cup fish sauce (patis) paminta at asin ayon sa iyong panlasa Procedure: 1. Igisa ang luya,  bawang at sibuyas 2. Ilagay ang manok at sangkutsaing maigi, pagkatapos ay ilagay ang patis, asin at paminta  haluin ng maigi. Pwede nyong lagyan ng magic sarap o chicken cube

Pangnegosyo Braso de Mercedes

Image
                                       Photo by: Miss Bang B. Chef PJ Meron akong kaibigan na chef, si Chef PJ marunong syang gumawa ng Braso de Mercedes so ang ginagawa nya  kumukuha sya ng order sa mga kakilala nya at dinidiliver nya every Sunday, kasi yong mga ganitong pagkain masarap pagsalu-salohan kasama ang mga mahal sa buhay kapag weekend kung saan almost lahat nasa bahay, so isang magandang idea rin na magbenta ng mga ganitong klase ng pagkain. Yong hindi daily or common sa araw araw, yong kapag may ganyan sa pamilya feeling mo special, mga ganung peg hehehehe. Kaya kung marunong ka gumawa ng mga baked products you can sell it, sa kaso naman ng braso de mercedes, pwede mo ibenta buo, or pwede rin hati kasi meron naman di naman sila masyadong marami sa bahay so gusto nila kalahati lang. 1/2                                                    Mga sangkap para sa isang BRASO DE MERCEDES depende po sa size ng pan na gagamitin nyo, ito malaki po. Para sa meringue: 14 Egg white  1ts

Pangnegosyo Mga Kakanin sa Bilao

Image
Isa rin sa magandang itinda ay yong mga pagkain sa bilao lalo na ng mga kakanin, talagang mabenta kasi affordable at pang buong pamilya talaga.  Marami rin akong mga kakilala na kumikita sa ganitong paraan. Mahirap man ang buhay pero kapag gumagawa ng diskarte nakakaraos din sa tulong at awa ng Dios. Isa na ang kaibigan kong si Jennife na taga Cagayan De Oro City, di sya marunong magluto ng mga kakanin pero ang diskarte nya kumukuha sya sa supplier ng mga kakanin sa bilao at binibenta nya. Kahit ganun lang ginagawa nya kumikita pa rin sya pinakamaliit na yong tubo na 50 pesos sa isang bilao, not bad. Kung magaling ka magbenta makakarami ka.  Lalo na kapag ikaw marunong magluto, mas malaki ang kikitain mo.  Ito ang mga producto ng supplier ni Jenife Biko Recipe: Ingredients: 1 kilo Glutinous Rice 4 cups  water Procedure: 1. In a pot put the glutinous rice and water then cook over medium heat, once boiling adjust the heat to low then continue cooking, stirring occasionally, until

Pangnegosyo Macaroni Salad

Image
Ito ako mismo ang nagbenta nito sa mga kapitbahay ko , Nagmesaage ako 3 days before sa kanila sabi ko mayroon akong macaroni salad na available sa linggo order na para di ka maubusan, siguradong masarap, sa sobrang sarap makakalimutan mo problema mo at  makakalimutan mo may utang ka pa sa akin noong nakaraan  😅😂😁😂😂 joke lang po. Kayo na bahala magsales talk sa mga friends nyo. Mga Sangkap: 1 kg macaroni ( cook according to its packaging procedure) Drained 1 kg all purpose cream ( dagdagan kung kailangan) 1  cup mayonaise 2 cans corn kernel (drained) 1 can  pineapple tidbits 432grams( drained) 1/2 kg nata de coco any color na gusto nyo ( drained) 3/4 cup pineapple juice mula sa pineapple tidbits- para di dry ang salad 1 cup raisins  1 1/2 can of condensed milk (the 390gcan)   Procedure:  Sa malaking mixing bowl pagsamasamahin lahat ng mga sangkap at haluing maigi. Ilagay sa refrigerator para palamigin bago ihain o ibenta.   Kapag malamig na pwede na itong ipack  per serving tulad n

Pangnegosyo Ihaw-Ihaw

Image
Isa pang malakas pagkakitaan tuwing hapon ay ang ihaw ihaw kahit sa labas lang ng bahay nyo ok  na ok lalo na kung maraming dumadaan sa lugar ninyo. Madali lang itong gawin kailangan mo lang ng ihawan  at ang ibang kailangan mo madali lang naman mabili sa palengke dapat lang matiyaga ka na iprepare ito at panalo kung ang timpla mo sa carne at sauce ay talagang masarap.  Pwede kang mag umpisa sa mga patok sa mga tao gaya ng pork barbecue, chicken, isaw at hotdog. pork chicken Isaw hotdog Kahit yang apat lang muna ang umpisahan mo sa labas ng bahay nyo ok na ok na yan, pero kung may pwesto ka naman at  maraming tao pwede mong gawin tulad ng ginagawa ng kapatid kong si Daisy  Daisy Komo may pwesto sya naglalagay sya ng mga maliliit na tables at upuan para pwedeng kumain ang mga tao. Sa tables mayroong toyo, suka, calamnsi na ready to be used at siling labuyo at toothpicks para after kumain available agad, tipid ka na sa trabahador kapag nasa tables na lahat ang mga kakailanganin nila sa p