Posts

Pangnegosyo Itlog Na Maalat

Image
 Itong negosyo na ito  wala kang talo kasi kung di man maibenta pwede mo naman iulam, pero imposibleng di maibenta dahil gustong gusto ito ng mga tao. Pwede mong ibenta per piece or per dozen. Madaling gawin at pwede mong gamitan ng itlog ng pato or itlog ng manok depende kung ano available sa lugar mo.  Ang itatagal ng  buhay ng itlog na maalat ay  dumedepende  kung paano mo ito ginawa. Umpisahan na natin!! Mga sangkap 30 piraso itlog 500g asin 1.5 litro ng tubig Procedure: 1. Pagsamahin ang tubig at asin sa isang kaldero, haluin maigi at pakuluin  hanggang sa malusaw ang asin. Patayin ang apoy at palamigin. 2. Kapag malamig na, ay ilagay sa isang plastic container o garapon na malaki saka ilagay ang itlog at itago ito sa cabinet sa loob ng 30 days.  3. After 30 days, pwede na itong alisin sa tubig at lutuin, pakuluan ng  25 minutes at pwede na itong hanguin, pero kung gusto mo na mas matagal ang buhay ng itlog na maalat at nagmamantika  hayaan mo lang ito sa mahinang apoy sa loob ng

Pangnegosyo Bibingka

Image
  Masarap at malinamnam ang bibingka recipe na ito kaya swak na swak na pangnegosyo subukan nyo na. May kaibigan ako na nagtitinda nito, dami nyang  sales. Kaya nakakaenganyo.  Ingredients: 1 1/2 cup giniling na bigas 400ml gata 8 kutsara asukal puti 1 kutsarita yeast 1 kutsarita baking powder 1 kutsara mantika 1 egg  Pinch of salt Procedure: 1. Paghaluin lahat ng ingredients sa isang mixing bowl, kapag smooth na ang mixture, Let it rest for 1 hour, room temperature: 2. After 1 hour, pwede ng ilagay sa mga molder at ipreheat ang oven sa 180 degrees at ibake ang bibingka sa loob ng 20 minutos or hanggang sa maluto depende sa laki ng hulmahan ang timing ng pagluluto. 3. Kapag luto na ay pwede ng ibenta, maghanda ng kinayod na niyog pang toppings.  Kung maglalagay kayo ng salted egg topping bake nyo muna sa loob ng 15 minutes then alisin sa oven saka ilagay ang salted egg toppings then continue baking until done. Pagtinda pwede budbuan ng kinayod na niyog.

Pangnegosyo Buko Salad

Image
Itong buko salad na ito sinubukan ko lang kung maibebenta sa mga kapitbahay, 2 days before ko ginawa nagmessage ako sa mga kakilala ko kung gusto nila bumili may buko salad akong gagawin,  Nasurprise ako sa pangyayari kasi yong ginawa ko kahit marami na kulang pa rin, kaya sabi ko sa iba na hindi nakaabot, gagawa ako ng 2nd batch, kaya subukan nyo rin ito, patok sa  mga tao lalo na kung medyo mainit ang panahon. Mga Sangkap: 5 cups coconut strips 500g red nata de coco 500g green nata de coco 1kg all purpose cream 1 1/2 can condensed milk 1 pinakamalaking lata ng fruit cocktail Procedure: 1. Pagsamasamahin ang lahat ng mga snngkap sa isang malaking mixing bowl, haluing maigi . 2. Palamigin saka  ilagay sa mga 500 ml na disposable cups at pwede ng itinda. 

Pangnegosyo Banana Cue at Camote Cue

Image
Ito ang paninda na wala kang lugi dahil patok na patok sa masa mauubos talaga, mula noon hanggang ngayon, bata man o matanda talagang gustong gusto ito, pwede mong pagsabayin ang camote cue at banana cue dahil pareho lang naman sila ng proseso ng pagluluto.  Kailangan mo lang na gamit dito ay kawali na mapaglulutuan, mantika, asukal, barbecue sticks at ready ka na na makapag umpisa, madali lang mabili sa palengke ang hinog na saging at camote, umpisahan na natin! Mga sangkap: hinog na saging- balatan camote- balatan at hiwain mantika pulang asukal barbecue sticks Procedure: 1. Magpainit ng mantika sa kawali, kapag mainit na ilagay ang saging o camote depende kung ano ang una mong lutuin, pagnalagay na ay lagyan na ng asukal, para maganda ang pagkakacaramelize ng asukal , kapag hinango mo na ang camote o saging ang ganda ng resulta. Ganyan lang kadali lutuin ang camote at banana cue. 2. Kapag luto na , hanguin ito  at  ilagay ito sa barbecue sticks at pwede na itinda.

Pangnegosyo Palitaw

Image
Noong bata pa ako naranasan ko rin magtinda ng palitaw, kasi may pinag iipunan ako noon na gustong mabili  kaya isa ito sa itininda ko dahil napakadaling gawin at di complicated ang mga sangkap, kayo rin subukan nyo itong itinda kahit ilako nyo lang sa mga kapitbahay siguradong sold out ito. Ingredients: 3 cups giniling na malagkit 1 cup tubig 2 cups kinudkod na niyog 1/2 cup asukal na puti 2 linga na tostado tubig para sa pagluluto Procedure: 1. Isalang na ang caserola na may tubig kung saan lulutuin ang palitaw para habang pinoporma ang mga palitaw ay unti unti ng maging ready ang lutuan. 2. Paghaluin ang malagkit at tubig hanggang sa mabuo ang dough, saka kumuha ng kapiraso at iporma itong bilog , sa pamamagitan ng iyong mga palad pitpitin ang hugis bilog na malagkit para mapormang palitaw. ganito dapat ang texture ng dough hindi basa 3. Kapag kumulo na ang tubig, saka ilagay ang mga palitaw at kapag lumutang na , ibig sabihin ay luto na ito, hanguin at ilagay sa colander para makat

Pangnegosyo Lechon Kawali

Image
Mmmmmm amoy pa lang ulam na 😃 Masarap at malutong na piniritong baboy sa kawali. Ang technique sa pagtitinda nito , pre order para alam mo gaano lang karami ang lulutuin mo.Kung halimbawang target mo ideliver Sunday,  during weekdays imessage mo na ang mga kaibigan mo kung gusto nila omorder kasi magdeliver ka sa Linggo bago lunch time para bibili talaga sila kasi most of the family salu-salo kapag linggo.Pwede mong hatiin sa 4 hiwa ang 1 kilo then ang price mo sa pagtinda ibatay mo kung magkano expenses mo. Masarap ito kapag crispy ang labas, tapos juicy at malambot ang loob, gaya ng nasa larawan. Mga Sangkap: 2 kilo liempo ng baboy (pork belly) 3 butil ng bawang (dinikdik) Tubig 1 Sachet magic sarap asin at paminta na panimpla Mantika na pagpipirituhan   Paraan ng pagluluto: 1. Ilagay sa kaldero ang liempo, bawang, magic sarap, paminta at asin. 2. Lagyan ng tubig na lagpas ng kaunti sa karne, lagpas ng 1/2 pulgada (inch). 3. Pakuluan hanggang sa lumambot. Alisi

Pangnegosyo Gelatin Salad

Image
                             Mabenta ito sa mga kapitbahay dahil affordable at refreshing talaga lalo na kung mainit ang panahon. Ingredients: 1 pack buko pandan flavor gelatin 1 pack strawberry flavor gelatin 1 pack Grapes flavor gelatin 1 pack orange flavor gelatin 1 1/2 kg all purpose cream or 6 box of 250ml all purpose cream 2 can condensed milk (390g) Procedure: 1. Una lutuin muna lahat ng gelatin at patigasin . Kung ano ang nasa instruction ng gelatin kung paano lutuin sundan nyo na lang pero bawasan nyo ang tubig para firm ang gelatin Example kung ang instruction 1.5 litres ng tubig ang ilagay ang gawin nyo 1 litre lang ang ilagay nyo. Kung after nyo pinatigas ang gelatin hindi sya firm, tunawin nyo uli then ldagdagan nyo ng gelatin powder at patigasin uli 2. Kapag matigas na ang gelatin ay hiwain ito (dice) 3. Sa isang malaking mixing bowl paghalu-haluin ang hiniwang gelatin, all purpose cream at condensed milk , Kapag nahalo ng maigi, palamigin at pwede ng ibenta. Pwed

Pangnegosyo Pork Tocino

Image
Mula noong bata pa ako hanggang ngayon walang kupas ang pagiging sold out ng tocino, kaya tara na at umpisahan na natin ito. Mga sangkap: 2 kg pork belly sliced for tocino 2 cups brown sugar 1 1/2 cup pineapple juice 2 tablespoon curing salt ( pwedeng palitan ng normal na asin at food coloring na red 1/2 teaspoon) 1 kutsarita paminta powder 2 tablespoon Woster Sauce ( Lea and Perrins) 2 tablespoon katas ng calamansi or lemon Woster Sauce Procedure: 1. Sa isang malaking mixing bowl, pagsamasamahin ang lahat ng ingredients at haluing maigi. 2. Kapag nahalo ng maigi ready na ito ipack, pwede kang gumawa ng 500g at 1 kilo na pack para ibenta. Ganyan lang kadali gawin ang tocino!

Pangnegosyo Buko Pandan

Image
  Ito ay nasold out agad nagmessage lang ako sa group chat namin kung sino ang may gusto order na, di inabot ng 30 minuto, ubos na agad!  Mga sangkap: 18 piraso buko  maliliit na vareity, kung malalaki buko sa lugar nyo iadjust no na lang to 15piraso  1 kg all purpose cream  or 4 carton ng tig 250ml 1 1/2 lata condensed milk (yong 390g)  2 sachet buko pandan gulaman  1 kutsara Mccormick buco pandan flavoring Procedure: 1. Una lutuin natin ang buco pandan gulaman, ayon sa instruction na nasa package, pero ako binawasan ko ang measurement ng tubig para mas firm ang gulaman, nakasulat sa package 1.5 litre pero ang ginamit ko lang ay 1 litre. Pagkumulo na pwede na natin patayin at ilagay sa tray at patigasin no need irefrigerate kasi titigas naman ang gulaman kahit di irefrigerate. 2.  Ang buko ay kayurin natin ng raspador then ilagay sa malaking mixing bowl. 3. Kapag matigas na ang gulaman hiwain natin ito na kasing laki ng nata de coco at ihalo sa buko 4. Ilagay na rin ang iba pang mga s

Pangnegosyo Polvoron

Image
Isa  sa maganda ring pagkakitaan ay ang polvoron , pwede mo ito ibenta per piece or per balot , madaling gawin at madaling mabili ang mga ingredients at mga bagay na kailangan para makapagsimula ng pagtitinda nito. Kailangan meron kang polvoron molder, water cellophane para sa pagbabalot ng polvoron at mga platic na paglalagyan kung ititinda mo per pack.Ito ang recipe na ibibigay ko ay talagang masarap at subok ko na, kalasa ito ng sikat na brand sa Pilipinas, kaya ano pang hinihintay nyo? Umpisahan nyo na!!   Mga sangkap: 40-50 pieces of polvoron 5 tasang harina 3 tasang powdered milk (anumang brand) 2 tasang tinunaw na mantikilya or margarin 1 1/4 tasang asukal o ayon sa iyong panlasa iba't ibang kulay ng water cellophane at molder ng polvoron Procedure: 1. I-toast ang harina sa isang kawali sa katamtamang init, haluin ng haluin para hindi masunog, gawin ito sa loob ng 12 minuto o hanggang sa maluto ang harina, pagkatapos ay ilagay ang powdered milk at asukal ituloy ang paghahalo